Tanong

18 1 0
                                    



Kamusta?
Kamusta ka sa mga oras na naghihintay ka?
Ayos lang ba?

Kamusta?
Kamusta ka sa mga araw na kinakausap kita?
Masaya ka ba?

Kamusta?
Kamusta ka sa mga sandaling tayo ay magkasama?
Kinakabahan ka ba?

Kamusta?
Kamusta ka sa likod ng masasaya mong mga mata?
May problema ka ba?

Ayos lang ba kahit nag-hihintay ka?
Ayos lang ba kahit hanggang dito muna tayong dalawa?
Ayos lang ba kahit sabihin kong mag-hintay ka pa?
Magiging makasarili ba ako kung sasabihin kong ngayon pa lang ay akin ka na?
Ayos lang ba?

Mahal,ayos lang ba?

Gusto mo ba yung mga tingin ko sayo sa tuwing ako ang kasama mo?
Gusto mo ba yung mga salitang dumudulas sa mga labi ko?
Gusto mo ba yung mga pagkausap at pagsama ko sayo?

Gusto mo ba?

Gusto mo ba yung pagiging malapit natin sa isa't-isa?
Gusto mo ba yung pagsasabi ko sayo ng 'mahal kita'?
Gusto mo ba?

Mahal,gusto mo ba?

BiglaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon