TRINIE'S A FAN of BonitaBabyy
*random*
Dati ko nang nabibisita ang profile ni Bonny. Kasagsagan pa lang ng TVFN 1. Nakita ko na rin noon yung 'About Me' niya. Gusto ko nga sana magbasa noon ng story niya kasi malalim daw siya managalog e trip ko yun...deep deep deep Tagalog XD, kaso natakot naman ako sa stories niya, mga restricted daw eh. whahahahaa.
Isa siya sa mga writer ng wattpad na iniisip kong parang mahirap i-close o kausapin. Akala ko kasi masungit siya eh,hehe.
Dito sa watty, stranger ako sa kanya. Eh sino sino lang naman kasi ang nakakakilala kay Trinie diba?
Never kong inisip na kakausapin niya ako.
But one day, habang nasa netshop ako at badtrip na badtrip sa dami ng requirement namin sa school, naisipan ko i-open yung wattpad account.
Then may nabasa akong message, nasa top line pa ng newsfeed ko.
Huwaaah, sabi ko nun...teka, BG sign??? diba kay BonitaBabyy yun? Then binasa ko yung message niya...mas lumuwa naman mata ko! Kasi super overwhelming yung message niya na yun. Sabi ko nun sa sarili ko, ay hala....
totoo ba yun? Kay Bonita galing yung message na yun.
Nabasa niya raw yung MMF and ..oh well, nakakahiya na sabihin yun iba...wahahahhaa.
basta! super overwhelmed ako nun, nakalimutan ko nang badtrip nga pala ako,wahahhaha.
Mas lalo akong nagulat nung pag-click ko ng '...more like this' naka-fan na siya sakin...
sabi ko na lang nun sa sarili ko...Ngeeee...baka magsisi lang 'to. Maingay pa naman ako...mapupuno newsfeed niya, wahahahahha
So yun, nag-reply ako sa message niya..
and we had a convo...
And we became friends *oh please don't tell me na ang assuming ko ToT*
Naging friends din kami sa FB at ang saya ko lang kasi nakita ko face niya! Ang GANDARA! hehehe
One notable deed of her na super na-appreciate ko is..
nung gumawa siya ng FanFic para kila dadee Wesley at Charm!
Hindi kasi talaga ako marunong gumawa ng mga ganun, pero siya...
nagawa niyang i-deliver yung scene na 'love' yung umiiral sa mag-asawa. When I read it, I was like...WOW! Dun ko napagtanto na magaling pala siya magsulat.
CONFESSION
*Bakit ba naglagay pa ko ng part na 'to????wahahha*
Amp, anooo..
ano bang i-ko-confess ko?
AH! Sorry po, akala ko kasi dati puro BS chappies lang nisusulat mo,*peace*.
Pero nung mabasa ko yung mga story mo, I was proven wrong! Dahil ang gaganda nila as in! May comedy, drama, horror *chos,si Allison at Allen kasi*,Mystery/Suspense pati Historical nasama na *bahay na pula lels*. Sige ikaw na! XD Wala man lang sa kalingkingan yung mga gawa ko sa ganda ng delivery. Hindi lang sila about lust...ni hindi nga halos mapapansin eh.
Naging favorite ko pa yung Midnight Lover at na-inlove sa character na si GM/Aaron. Un/fortunately, nabasa ko rin yung TVFN 3 kaya na-inlove ako kay KING *ko at ko lang*
Well,hindi naman siguro ako mahuhumaling *deep* sa mga character na yan kung hindi magaling ung gumawa sa kanila diba?
:D
To Winona:
Wala lang 'tong post na 'to,lels.
I just want you to know na fan mo ako dahil pinatunayan mo sakin na your feet are still stepping on the ground *sana di yan magbago*
Salamat po sa lahat ng kabaitan mo. Sorry kung sobrang FC ko. T___T yun na nga yata sakin ko eh
Maraming salamat po dahil nandyan si KING *ko* para pasayahin ang buhay ko kahit imaginary lengs siya *pagbigyan mo na ako puhleaase* AKIN lang si KIng huh? wahahhaha
Basta thank you sa lahat. Sandali pa lang kita nakilala pero ipinakita mo na sakin kung gaano ka kabuting tao. Stay who you are.:) Sana di ka po magbago.
I won't forget na minsan sa buhay ko, nagkaroon ako ng kaibigang tulad mo.
God Bless! mwuaaah
-Trinie