"That brat kid!"
Grabe! Hindi ako makapaniwalang magagawa sa 'kin ng isang binatilyo yun! Nakakaapanggigil! "Ang sarap niyang ipaipit sa pison!"
"Hoy!" pambabatok sa'kin ni Amanda. Bestfriend ko si Amanda. Greka loyal na bestfriend. Ipinagkanulo niya lang naman ako sa bastos na batang yun kanina. "Kaya walang nanliligaw sa 'yo e! Ang taray taray mo, try mo kaya magpaka-anghel kahit minsan lang? Mukha ka ngang anghel, yang ugali mo naman, di ma-paint!"
Ginantihan ko rin siya ng pambabatok. "Alam mo ikaw, hindi ko talaga alam kung nakanino ba yang loyalty mo e, sa akin ba na bestfriend mo o sa mga lalaking nanggugulo sa'kin." Iningusan ko siya't inihagis ko sa kanya ang hawak kong maleta. "Ikaw humawak niyan!" Nasa elevator kami at papunta sa condo unit ni Amanda. Sa kanya muna ako makikitulog.
Alam niyo kung anong nakakainis? Yung feeling na pinalayas ka sa sarili mong bahay? Oo, yung iyo naman yung bahay pero hindi ka man lang makapasok kasi may bwisit na batang nakatira dun ngayon? Alam niyo yun? Ha? Alam niyo ba yun?
Sinapok ko si Amanda dahil sa inis ko.Siya kayang may kasalanan kung bakit kailangan kong umalis ng bahay ko! Hiyang-hiya lang talaga ako sa kagagahan ng bestfriend ko, ibigay ba naman yung susi ng bahay ko para pang-collateral dun sa utang niya sa bata! a batang walang modo. Yung bata na akala mo matanda na kung umasta.
"Kanina ka pa, Bogs ha!" reklamo ni Amanda habang himas-himas yung ulo niya.
"Bogsbogsin mong mukha mo! Sa susunod talaga hindi na kita papupuntahin sa bahay ko. Grabe...nawalan ako ng bahay dahil sa'yo."
"Sorry naman," nahihiya niyang sabi. May hiya pa pala siya e no? "Naipit lang naman ako kanina e. Nagbanta nang ipapakulong ako e. Alam mo namang hindi kakasya ang halaga ng unit ko sa utang ko sa kanya. E malay ko ba namang pyramid scam lang pala yung investment club na pinasukan ko."
Napahilamos ako sa mukha. Uber, 29 pa lang ako, pero feeling ko nagmumukha na akong singkwentahin dahil sa kunsumisyon.
"Yun na nga e, ikaw ang nagpaloko di ba? Ikaw!" humigit ako ng nagpipigil na hininga. "Pero ako ang nape-perwisyo Bogs e! San ako kukuha ng sampung milyon ngayon?!"
Magsasalita na sana si Amanda pero bumukas na yung elevator.Hindi na siya nagsalita nung makalabas kami hanggang sa nung makapasok na kami ng unit niya. Alam ko na kung saan yung room niya, dun ako matutulog. Aba, bahay ko yata yung nawala sa 'kin at di ko pa alam kung kailan ko mababawi ang bahay ko kaya dapat lang na ako ang matulog sa kama.
Naku. naku. naku naman.
**
Hindi ko alam kung sinasadya ni Amanda o ano pero hindi ko siya nakita buong gabi kagabi. Kahit nung kumain ako ng hapunan, wala rin siya. May natakpang pagkain lang na nakain sa mesa.
Oh well, hindi naman talaga ako galit sa kanya, dala lang ng galit ko kaya ko siya nagpasalitaan. Hindi kasi ako makapaniwalang magagawa yun sa 'kin ng besftriend. Pero ang totoo, naaawa talaga ako sa kanya, kasi naman, ano bang pumasok sa kokote niya at naisip niyang totoong may way para sa biglang-yaman? Haaay.
Saglit muna akong nag-inat inat bago nagpasyang bumangon sa kama ni Amanda. Nasan naman kaya yun ngayon? Siguradong pinagtataguan na naman ako nun. Tsk.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagpasyang lumabas na ng kuwarto. Pero natigilan ako nung hawak ko na yung door knob.
May nakakuhan kasi ng pansin ko.
Yung cabinet ni Amanda...
Wala nang laman!
Shocks!
Si Amanda...
Ang bestfriend ko...
Tumakas!
P-pppaanong...
Nagmamadali akong lumabas ng condo unit niya at sumakay ng elevator pababa ng ground floor. Baka sakaling maabutan ko pa siya, di bale nang pagtinginan nila ako dahil sa suot kong pantulog.
Pero..
.
kasi...
kapad umalis si Amanda...
Ako ang magbabayad ng utang niya!
Helloooo! Bahay ko ang isinangla niya dun sa batang asungot!
Sa pagkadismaya ko, walang kahit anino ni Amanda sa ground floor.
Shocks, san ako kukuha ng ten million?!
ten million..
ten million
ten million
ten million!
mamamatay na yata ako. Akala ko sobra nang cliche ang mga kwentong tinatakasan ng bestfriends matapos ibigay sa iba yung bahay nung bida, panahon pa ng Full House yun e. Pero grrr! Sa 'kin pa pala mangyayari yun! A decade after Full House! At ang masama pa nito, isa akong writer! Isa akong writer pero hindi ko man lang na-predict ang kagunggungan ng bestfriend ko! What a life.
Bagsak ang mga balikat ko nung bumalik ako ng unit ni Amanda. Di ko nga namalayan na dalawang beses na pala akong nakabalik ng ground floor.
Lalo lang bumagsak ang balikat ko nung makarating ako ng kuwarto ni Bogs.
May nakita akong batang may buntot at sungay. At kahit seryoso ang mukha niya, para siyang nakangisi. Nakakatakot. >.<
*soon*
