II.

140 4 4
                                    

ENJOY READING!

***

(Lizzy)

Halos lumuwa na ang mata ni Lizzy dahil sa sinabi ng bata.Napanganga rin siya nang hindi niya namamalayan.

 Ilang sandali siyang hindi makapagsalita dahil sa labis na pagkagulat. Nakatingin lang siya sa  batang babae ngunit wala naman dito ang diwa niya. Mayamaya’y marahan niyang inilinga ang mga mata sa paligid. Lahat ng taong nakatingin sa kanya’y makakikitaan niya ng pandidiri…panghuhusga…pagkagulat. Sari-saring emosyon ang nakapinta sa mga mukha nila ngunit alam niyang iisa lang ang pinatutunguhan ng mga tinging iyon. Siya.

Kaya pala.

Kaya pala tila hinuhubaran siya ng mga tao kanina noong dumaan siya sa harapan ng mga ito.

Ngunit paano nangyari iyon?

Wala siyang maalala na lumabas siya kanina.

Sa isang iglap ay nagulo ang isipan niya.

Isang alaala ang rumehistro sa kanyang isipan ngunit mariin niya ring ipinilig ang ulo niya dahil imposibleng mangyari ang bagay na iyon.

“Melody!” tinawag ng ina nito ang batang lumapit sa kanya. Ang tawag na iyon din ang nagbalik sa kanyang ulirat.

Hindi nagsalita ang bata ngunit agad naman itong tumalima sa ina at tumakbo patungo ng bahay nila na katapat lang ng apartment ni Abbie.Binigyan pa siya nito ng huling sulyap bago ito tumawid ng kalsada.

MATAGAL pa siyang nanatili sa kinatatayuan nang makaalis na ang bata. Pinilit niyang ipasok sa sariling sistema ang mga sinabi ng paslit.

Siya?

Naglalakad kanina nang nakahubad?

Iyon ang huling bagay na gagawin niya sa buhay niya!

She gulped when she imagined herself walking while naked. That must be her worst nightmare!

 She dashed to Abbie’s apartment upon realizing her worst nightmare. She needs her bestfriend’s help.

Malalakas na katok ang ginawa niya nang marating ang pinto ng bahay ng matalik na kaibigan.

“Lizzy…may doorbell ako…” kakamot-kamot ng ulong saad ni Abbie nang pagbuksan siya nito. Magulo pa ang buhok ng kaibigan at hihikab-hikab pa ito. Lihim siyang napahinga ng maluwag dahil nasisugurado niyang hindi pa alam ni Abbie ang mga kababalaghang nangyayari ngayon sa buhay niya.

“N-na-miss kasi kita ng husto kaya nakalimutan kong may doorbell ka nga pala,” nauutal niyang pagdadahilan na pilit ngumiti at napahawak sa tuktok ng ulo. Hindi na siya nagpaalam sa kaibigan nang agad siyang pumasok ng apartment nito.

Hindi naman nagreklamo si Abbie sa ginawa niya. Araw-araw na kasi nitong intruder ang matalik na kaibigan.

“Magluluto muna ako ng makakain…” tinungo na ni Abbie ang kusina na malapit lang sa sala. Katapat ng bulwagan nito ang pintuan ng apartment ng dalaga.

 Bago sumunod sa kaibigan patungong kusina’y nilingon niya ang pintuan bagaman nakasara na ito.

Tinitigan niya ito nang ilang sandali.

Alam niyang  kung totoong may nakita nga ang mga tao na naglalakad na hubad na babaeng kamukha niya, hindi na ang dating normal na buhay niya ang ang sasalubong  sa kanya sa muling paglabas niya ng apartment ng matalik na kaibigan.

“May balak ka yatang tunawin yan pintuan ah,” sambit ni Abbie nang makita siyang nakatitig sa pintuan.Nasa bungad na ito ng kusina.

“H-ha? H-hindi noh. May naalala lang ako,” binawi niya ang tingin mula sa pintuan at tinungo na ang kusina ng kaibigan.

Unfold ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon