Malayang Ibong Nakakulong sa Hawla

251 3 0
                                    

Malayang ibong tinuringan,

malayang lumipad,

malayang libutin ang kawawang daigdig,

malaya nga sana.

Sa karimla'y kumakaway ang malayang ibon,

pagkaway ng pamamalaan,

paalam kalayaan,

paalam.

Pagod at hapis na katawan,

ngunit tila walang pinatutunguhan

ang dugo't pawis na ipinuhunan,

kawawang ibon,kawawa ka.

Malayang ibong siyang naturingan,

kawawang ibon,

malaya...

malaya ngunit nananatiling nakakulong sa hawla. 

Unfold ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon