TIPS TO EFFECTIVE WRITING
1. READ A LOT
Siguro nagtataka ka kung bakit ito ang inuna ko. Maaring naisip.natanong..Diba dapat theme? Diba dapat plot? O Characters? O yung Setting? Bakit Reading pa? Boring kaya yan. Oh di kaya naman siguro, inisip mo nang i-close yung tab ng article na ‘toh. But let me tell you this. IF YOU REALLY WANT TO BE A GOOD WRITER,YOU NEED TO BE GOOD READER FIRST.
Bakit? Dahil sa pamamagitan ng pagbabasa lalo mong nahahasa ang vocabulary words mo, ang perspective o pananaw mo sa isang bagay, at mas lalong napapalawak ang imagination mo, mas lalong nahahasa ang skill mo sa narrative writing.
And Similar nga sa sinabi ng isang ate ko sa school, ang pagbabasa ang pinakamura, pinakamadali,pinaka-adventurous at pinaka-nakaka-excite na paglalakbay sa mundo. Another “Bakit?” Sagot:. Dahil ang pagbabasa, libre lang. Kasi hindi naman nagbabayad ang mata bago siya papayagang magbasa diba? Saka habang nagbabasa, para na rin nating nakikita,nararamdaman at nararating ang isang lugar base na rin sa description na binibigay ng manunulat. Tumatawa tayo sa mga nakakatawang babasahin, lumuluha sa mga nakaiiyak na kuwento at naiinis kapag may ginagawang hindi magandang bagay yung mga villain*the term* sa isang story. Isa pa, hindi mahirap maghanap ng anumang babasahin. Sa mga pagkain pa lang na binibili natin, May mga kung ano-ano nang nakasulat sa mga balat niyan- Babasahin na ang tawag dun. Kung ayaw mong basahin ang news sa isang newspaper, bakit hindi mo basahin ang entertainment page. Basta ang importante, nakapagbasa ka.
Kung gusto mo talagang maging isang magaling na writer, matuto kang magbasa ng gawa ng iba. Hindi yung sa iyo ng sa iyo lang ang babasahin mo all throughout. Paulit-ulit na nga yung mga word na magagamit mo, wala ka pang natututuhan kung paano magpa-ikot ng isang kuwento.
Gayunpaman, hanggat maari, piliin mo yung quality ng binabasa mo. Malaking influence kasi yung mga nababasa mo sa way ng pagsusulat mo. Sabi nga pala ng guro ko noon sa Developmental Reading, kung sino daw yung favorite writer mo, oh kung sino ba yung writer na palaging may-akda ng mga binabasa mo, most likely, magiging hawig sa writing style nila yung gawi ng pagsusulat mo intentionally man o unintentionally pa yan. In my case, sila Ernest Hemingway, Sidney Sheldon at Danielle Steel ang mga pinakapaborito kong writers in terms of writing stories. Yung story ko na “Chicken Pox,” similar sa “A Day’s Wait” ni Ernest Hemingway. Yung eagerness ko naman na i-lead yung mga reader sa isang tricky situation, siguro nakuha ko kay Sidney Sheldon, ang galing niya kasi talaga magpaikot ng story eh. Kay Danielle Steel naman….hmmn…sige, ilagay na lang muna natin yan sa undiscovered gems ko kahit gawa niya ang pinakamadalas kong basahin. Hindi ko pa kasi alam yung mga pagkakahawig namin eh. ----parang ganyan lang.
Note: actually, habang tinatype ko ‘to,dun ko pa lang din nare-realize yung mga pinagsasabi ko—on-the-spot.*hahaha*
2. TITLE,BEGINNING,BODY and ENDING
Pinagsama-sama ko sila kasi sila ‘yung mga sangkap ng kuwento na hindi mo pwedeng paghiwa-hiwalayin. Hindi ka puwedeng gumawa ng kuwento na walang title kasi sa lahat ng parte ng kuwento, yan yung unang mababasa,tsaka yan din yung pinaka-nakakakuha ng atensyon nila.* Hindi ka pwedeng magsulat ng kuwento na walang nakikitang beginning ‘yung reader. Kahit sa mga excerpt na kuwento sa mga libro pinipili nung mga editor yung simula ng excerpt nila na magmumukhang siya ‘yung beginning ng kuwento. Kasi yung beginning ng kuwento, yun ung driving force mo para ma-hook yung mambabasa na ituloy ang pagbabasa. Sa content ng isang kuwento, ‘yung beginning at ending yung pinaka-tumatatak sa isipan ng reader. *labo no?*
a. Title
Waaah! Intro pa lang pala ‘yun? Hihi.
Oh siya.