5 COMMON MISTAKES OF WATTPAD WRITERS

321 9 2
                                    

Trinie's Note: These are all author’s opinion only.You may take these or keep these hanging behind.

COMMON means marami na tayong nag-commit ng mga error na ‘to.

-Let's Start-

Gaya nga ng title, this article covers most common errors na nakikita ko dito sa wattpad. I’m not a writer by profession which only means I’m NOT a pro…hindi rin ako magaling na manunulat,alam ko lang po kung paano magsulat (that makes the difference). But definitely, I know how to read, comprehend what I read and make some observations about what I read.

Sa pagbabasa ko rito sa wattpad, ito po yung common mistakes na nakita ko, at susubukan ko rin po silang i-elaborate.

So here they are...

1. Gamit ng “raw” at “daw,” “rin” at “din,” at mga katulad na salita.(Use of “raw” and “daw,” rin” and “din” and the like.)

- This is one of the most common mistakes I noticed during my reading times in wattpad. Aminado ako na kahit ako na-commit ko na rin ang error na yan, patunay ang first parts ng MMF.

Pero ano nga ba ang basicsna dapat malaman pagdating sa words na yan?

*Very simple! Ibabase lang natin ang gamit sa first letters nila na “r” at “d.”

a. “r” ang gamit kapag vowel/patinig,Yat W ang preceding/sinusundang letter. Let’s have some examples para mas malinaw. (Y and W are also called “semi-vowels” kaya kasama sila)

Ex.

· Baka RAW ang kakatayin bukas ni baby.

· Si Nene RAW ang nanalo ng piso.

· Hindi RIN naman pala siya magaling mag-basketbol.

· Hindi mo RITO makikita si Phoebe.

· Sampu RIN naman ang daliri ng kamay ko ah.

· Namatay RAW ang kuto dahil nadaganan ito ng ulo niMiyuki.

· Nanliligaw RAW si Jelai kay Phrai.

b. “d” ang gamit kapag consonant/katinig ang sinusundang letra.

Ex.

· Lilipas DIN ang baho mo kapag nakaligo ka na.

· Pumutok DAW ang bulkan dahil kumanta si France.

· Binugbog DAWni Zylie si Silver.

· Kakain DITO si Kent mamaya.

· Mamasyal DOON sila Aril at Red.

2. Verb after “didn’t,” “do,” “doesn’t” and the like.

- Okay, I will not elaborate this further pero isa ito sa mga common mistakes na nakita ko,at siyempre na-commit ko na rin.

Simple lang naman po rule diyan, kapag may nilagay ka nang “do,” “doesn’t,” “did,” “didn’t” and the like, ibig sabihin lang niyan, past tense na ang connotation na gusto mong iparating kaya hindi na kailangan na past tense din yung verbs hindi na kasunod ng mga salitang nabanggit.

Parang ganito kasi ang madalas kong mabasa, “I did enjoyed the party,” “She doesn’t needed to wear the ring,” at “She doesn’t knew the formula.”

Unfold ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon