Trinie's a Fan of...

325 6 1
                                    

Trinie's Note: 2 lang po ang nasa "I am a Fan of" list ko ngayon but does not necessarily mean wala na akong ibang hinahangaang writer dito. Maglalagay rin po ako ng ibang writer and syempre, I'll explain why.

So let's start.

**

TRINIE'S A FAN OF sakuraloveshaoran

Kung tama ang pagkakaalala ko, una kong nakilala ang batang 'to nung mag-comment siya noon sa Marrying My Father. Bago pa lang ang MMF noon at halos wala pang nagbabasa. Wala ngang kacomment-comment eh, maswerte na ang lima. *teka, bakit ko ba sinabi yown?*

Madali kong na-recognize ang mga comment niya kasi..ang HYPER!

Isa siya sa mga pinakauna kong naka-close dito. Bago pa lang kasi ako noon sa watty kahit half year na akong naka sign-up.

Paano nga ba kami naging close *achuchu,sana hindi ako assuming na close nga kami ToT*

So ayun na nga, nung bago pa lang ako rito sa watty at wala pang masyadong kakilala, naging ugali ko nang basahin yung stories ng mga nag-ko-comment sa MMF kaya nung nag-comment si Mars noon, pinuntahan ko yung profile niya.

Una kong napansin yung story niya na "I'm In love with my Guardian Angel ??" kasi bukod sa stories ni ate Tinay, sa kanya pa lang yung nabasa kong fantasy ang genre. Sabi ko nun, WOW.

And yun..binasa ko yung story na 'yon. On-going pa yun noon kaya bibisita bisita ako lagi sa profile niya to check if may UD na siya. One thing about me, HINDI AKO SILENT READER. wahahhaha..kaya alam na alam niya pag nabasa ko na yung UD niya, kasi nambubulabog na ako ng makulit na comment! wahahhahaha

Super natuwa ako sa story na yun kasi super hooked ako kila Annika at Travis kaya nung natapos ko, ginawan ko ng fanfic. :D

After nung IIWMGA, hindi na ako masyadong nakabasa ng story niya. Naging busy na kasi ako nun.

Hindi na rin kami masyado nagkakausap nun eh. Tagal niya rin di nagparamdam sakin.

Nagkaroon lang yata ulit kami ng communication nung na-hack yung first account ko. Nawala kasi noon yung Chapter 24 dahil sa isang napakabuting puso ng hacker, wahahaha. Na-frustrate ako noon at tinamad ituloy yung MMF. Naisip ko rin noong i-close account ko kaso nitamad ako. XD

CONFESSION:

Huwaaah. May ganito talaga  ano eh noh?

Amp, di ko alam kung naalala mo pa, pero ano kasi...ano...

AKo nga rin pala si ano..si ano baa..

si sixtyminutesmemory! *yieee, aminin, you forgot me yes* wahahhaha

Pero feeling ko talaga malakas radar ni Mars ey, kasi nung na-okay na ako at nag-sign as Trinie,

Parang may 'something' sa mga question niya nung nagka-chat ulit kami. XDDD

**

Dumating yung time na nagkahingian kami ng acct sa FB. Nakakahiya lang kasi ang fanget ko wahahaha. Lakas lang loob ko magbigay ng personal acct ko sa kanya eh. Wala pa kasi ako noong acct para sa watty. Personal acct ko tuloy nabigay ko.*chos*

Huwaaah...pero at least nakita ko na rin picture niyaa!

At noon ko lang napagtanto...

ateng ate na talaga ako rito,hohoho.

*Fastforward*

 Masasabi ko lang, si Mars yung klase ng kaibigan na maasahan at maunawain. 

Super supportive pa! Siya yung tipo ng kaibigan na hindi na niya ipipilit ang tanong kapag alam niyang hindi mo gustong sagutin. Kapag kailangan mo, nandyan lang siya. Minsan nga di mo na kailangang sabihan eh. Kusa ba.

Noong nag-close account ako, nandyan lang siya para makausap. :) Nandyan pa rin siya para sumuporta. Yun yung time na napatunayan ko talagang kaibigan. Hindi nang-iiwan kahit back to zero na ako. I think that's what a real friend is.

 Nung nag-ask ako sa kanya ng favor, GO. walang tanong tanong.

Minsan makulit siya, pero gusto ko pa rin ang kakulitan niyang 'yon. Minsan makulit ako, pero nasasabayan niya yun.

To Mars:

Gasgas na 'tong sasabihin ko, pero hindi ka sana magbago.

Kahit dumami fans mo, kahit umabot pa 'yan ng thousands, sana hindi mo ako makalimutan. Kasi ako, hindi ko makakalimutan na nagkaroon ako ng tunay na kaibigang katulad mo.

Sorry, ang random at drama ko lang,wahahhaa..

oh siya,hanggang dito na lang.

Haylabsyow!!

-Ate Trinie

Unfold ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon