TRINIE'S POINT OF VIEW

1.5K 32 21
                                    

TRINIE'S POINT OF VIEW

Foreword: Anything posted here is just an opinion from the writer.

Enjoy!

**

ON WRITING

Kung tama ang pagkaka-alala ko, I was already 19 when I first wrote my story. It was a short story to be exact. It was the first for writing a story but I've been into Creative Writing na since third year high school. I was in third year high school kasi when I first learned that I could write, hindi nga lang stories.

I started with writing poems.Yan talaga ang first love ko sa creative writng. At hanggang ngayon, iyon pa rin ang most beloved ko. It gives me an escape from reality in a very imaginative, critical and creative way.

I was thirteen when I wrote my first poem. Iyon din yung edad ko when I wrote my first sonnets. I was able to write eight sonnets all in all. Yung apat para sa project ko, yung apat para sa project ng kaklase ko.xD Unfortunately, hindi naibalik yung mga sonnet na nagawa ko kaya hindi ko na 'yon ma-share dito. Hindi na rin yun nadagdagan kasi nga sobrang hirap magsulat ng sonnet. Masyadong malalim.

I was fourteen when I composed my first song. I composed it for a friend, nipagawa niya kasi 'yon sa akin for her project sa finals nila. One thing funny about it was, 'yong challenge. Second year college na kasi noon yung friend ko samantalang third year HS pa lang ako nun. Auspiciously, naging maganda naman ang turn-out ng grade niya. But please, wala naman sanang manggagaya sakin sa ginawa kong 'yon. I realized later kasi na super mali yung ginawa ko. Unfair yun para sakin dahil hindi naman ako ang may project tapos ako yung gagawa? Unfair din sa kanya yun kasi hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mapatunayan sa sarili niya na may talent din siya sa pag-compose ng songs at pagsusulat ng mga tula.

After kong malaman na kaya ko rin palang magsulat ng poems at mag-compose ng songs, itinuloy-tuloy ko 'yon. I wrote and wrote, composed and composed hanggang hindi ko na mabilang ang nagawa ko. Yung iba, hindi ko na maalala kung saan nailagay, 'yong iba, hindi ko na alam kung paano ko nagawa. Most of the poems and songs I wrote were for God. Yes...97% ng mga nagawa kong poems and songs, para sa Kanya. And I really miss writing those.

Nung 18 na ako, nagkaroon ako ng professor, si Dr. Evangelista, a published and professional writer. Siya yung nagturo sa akin kung paano dapat magsulat, at isa sa mga talagang tumatak sa 'kin yung BE SPECIFIC rule of thumb niya. Sya rin yung instrument kung bakit natanggal yung pagkakaroon ko ng writer's block sa poetry writing. Hindi lang 'yon... doble rin 'yong ibinilis ko sa pagsusulat ng tula mula nung maging mentor ko siya. Ikaw ba namang palagi niyang i-time pressure. >o< Pinakamabilis na span ko ngayon ng pagsusulat yung less than a minute na poem ko. 4 lines yun para gawing filler sa mock paper namin.

"Flying words of truth,

Spreading verities of life,

Calms the ear and soothes

The Pens that cannot lie."

I was nineteen when I wrote my first story. That was 'Chicken Pox' which was posted here in watty on August 27. Naging mahirap para sakin na isulat ang kuwentong iyon. Pressure. Basta.... it was a pressure. It had to be passed in a Government Agency kasi. It was just two-page short story but it took me three days to finish it.

Nung mabasa ko 'yong first short story na sinulat ko, sabi ko...pwede rin pala akong gumawa nito? Malaki kasi ang takot ko sa pagsusulat ng mga kuwento. Unang-una, mahina ang self-confidence ko. Pangalawa, natatakot ako na baka magkamali ako sa mga detalye na ilalagay ko. Pangatlo, hindi ako marunong magsulat-- hanggang ngayon 'yan pa rin ang hindrance ko sa pagsusulat.

On my journey to writing, I met the writing site wattpad. Hindi ako mahilig sa mga website dahil wala naman akong social life sa outside world. Loner ako. I seldom talk to people and even to my classmates.

Nung una, nagulat ako dahil may 'What's Hot' and for a time, inakala kong iyon lang mga story rito. Nagulat din ako sa 'vote' at 'Become a Fan' dahil hindi ko maintindihan kung para san ba talaga 'yon. Nasabi ko nun sa sarili ko, "Ah, para rin palang mga artista ang mga writer dito, may 'fans'."

Masaya ako sa mga unang buwan ko rito. Hindi masyadong pansinin ang mga ginagawa ko, but at least may nakakakita. May mga vocal din sa kung anong nabasa.

The best part of being in this place is...ang dami kong nakitang mga kaibigan. Pinakana-e-enjoy ko yung pakikipag-chat.

Marami akong natuklasan dito...lalo na sa sarili ko. Nalaman kong hindi naman pala talaga ako marunong magsulat. in a way na Simple lang ang vocabulary word na alam ko. Simple lang din yung mga idea na nagpa-pop sa utak ko, pero kahit ganun, natuklasan ko rin na 'pag nagsusulat ako, hindi ko namamalayan, naisasalin ko na pala yung emosyon na nais kong iparating sa pamamagitan ng mga isinusulat ko. Yun lang naman ang kaya kong gawin ko eh. The emotion of what I write is the best thing I can share.

However, habang tumatagal yung stay ko rito, namulat din ako sa mga reality na nakapagpalungkot sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga writer na kailangang libutin nang wattpad para lang may magbasa ng mga gawa nila. Bilang isang reader, insulting yun dahil kusa ko namang babasahin ang isang kwento lalo na kapag na-hook ako rito. No use naman talaga yung pagpapabasa eh. Paano kung hindi naman yun ang field of interest ng isang reader? Saka degrading yun para sa writer na gumagawa nun dahil iisipin nung mga reader na 'desperada' na ang isang writer na may magbasa ng gawa niya kaya siya nagmamakaawa sa mga reader na basahin ang kwento niya.

As a writer naman, degrading ang bagay na 'yon. Unang-una, kung tunay na writer ang isang tao, ite-treasure niya ang mga gawa niya. At dahil iti-ne-treasure niya 'yon, aakto siya na parang 'gems' ang mga gawa niya. Ano ngayon kung walang nagbabasa? Mas maganda nga 'yon eh kasi kapag na-discover ng mga reader ang ganda ng isang kuwento, mas overwhelming ang response. Alam mo ba yung feeling na, ipinaparamdam nila sa'yo na dahil na-discover nila ang gawa mo, para silang nakahukay sila ng mamahaling jewel?

Hindi ko maintindihan nung may nag-post sa MB ko at sinabing 'be my fan' daw. Hindi ko alam kung para saan ang 'What's Hot' hindi ko alam kung bakit may mga writer na gustong-gusto ng mga vote. At mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit may mga tao rito na ibinabase ang galing ng isang author dahil sa kasikatan nito.

Minsan natatanong ko sa sarili ko, para saan ba 'yong fans? Para saan yung votes? Bakit kailangan pa 'yong ilagay rito? Bakit may mga writer na pinanghihinaan ng loob dahil wala raw reads ang mga kwento nila? I mean, ilang taon na ba sila before they entered wattpad? 13?14?15? Sa years ba na yun, hindi ba sila nakapagsulat kahit walang fans? Mag-i-improve ba sa pagsusulat ang isang tao kapag nakatanggap ang kwento niya ng napakaraming votes? And think of this: Hindi na ba sila makakapagsulat 'pag wala ang wattpad?

Why do you write? To gain readers?To impress people? If that's what you're up to in writing...then you're not a real writer. In my perspective, I write because God has given me this talent. Hindi lang ako, kundi lahat ng tao; I write because I want to improve my writing. Masarap i-explore ang pagsusulat. Araw-araw, bagong discovery; I write because I want to and not because other people want me to; I write because this is my escape from reality. Ito yung nagdadala sakin ng grant sa mga fantasies ko. Writing is my way of turning impossible things possible.; and I write because I want to cry my heart out loud. Hindi kailangan ng maraming readers, hindi kailangan ng votes, because at the end of the day, hindi sila ang magdidikta ng improvements ko sa writing-- AKO at mga effort na ginawa ko para ma-improve ko ang sarili ko.

Iba-iba tayo ng mga pananaw sa pagsusulat. Kaya nga may Individual Differences eh, di ba?

Iba nag perspektibo mo, iba rin yung sakin. May I ask for respect na lang po. Because this is what my heart speaks 'On Writing."

-fin-

XD

Unfold ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon