1

162 7 4
                                    

“Happy birthday to me,

Happy birthday to me,

Happy birthday, happy birthday…

Happy birthday to me!”hinipan niya ang kandilang nakapatong sa banana cake na binili niya matapos kantahan ang sarili. It’s not the typical birthday cake with fancy fillings and icings. It’s still a cake, nevertheless.

Nakaupo siya ngayon sa tapat ng puntod ng ina upang ipagdiwang ang twenty-fourth birthday niya.

“Twenty four na po ako, ‘ma.” Pinilit niyang pasiglahin ang boses ngunit hindi niya magawang laksan ang tinig. “Sana kasama pa rin kita…hindi sana ako nahihirapan ng ganito. Na-mi-miss na kita,ma. Miss na miss na kita…” hindi man niya namamalaya’y lumandas sa kanyang mga pisngi ang mga patak ng luha na nag-uunahang kumawala sa kanyang mga mata. Huli niyang nasilayan ang mukha ng ina sampung taon na ang nakararaan. She was only fourteen when her mother was shot. In front of her young innocent eyes. At wala siya ngayong ibang gustong gawin kundi ang hanapin ang taong pumatay sa kanyang ina at maghiganti rito.

Buhay ang inutang,buhay rin ang dapat na kabayaran.

Her heart is now full of vengeance.

ILANG saglit pa siyang nanatili sa sementeryo upang samahan ang ina sa puntod nito. Ikinuwento niya sa ina ang lahat ng mga nangyari sa buhay niya mula nang huling bisita niya rito.

Mayamaya’y tumunog ang cellphone niya. Her bestfriend Abbie was calling her.

“Where are you na?! Mahaba na ang pila rito oh,” pabulong ngunit may pagkainip at pagmamadali sa boses ng matalik na kaibigan. May job interview silang dapat na puntahan ngayon ni Abbie ngunit pinauna na niya ito sa kompanyang pinag-a-applyan nila dahil dadaanan niya pa ang ina.

“Sorry, na-miss ko kasi si mama kaya--” ginusto niyang magpaliwanag sa kaibigan ngunit agad naman nitong pinutol ang sasabihin niya hindi pa man siya natatapos sa sinasabi.

“Bilisan mo na lang para makahabol ka huh,” naging mahinahon na ang boses ng kaibigan. Alam nitong kaya niyang hindi siputin ang isang job interview makasama lang nang mas matagal ang ina.

“Siguraduhin mo lang na darating ka,” Abbie said as though asking for an assurance.

“S-sige…” aniya na tiningnan ang puntod ng ina. “Maraming salamat.”

Akma na na niyang tatapusin ang tawag ng kaibigan nang bigla itong nagsalita sa kabilang linya.

“Ah…Lizzy.”

“Hmmn?”

“Happy birthday,” binati siya nito. Ang akala niya’y nakalimutan na ng kaibigan ang birthday niya dahil sa pagiging abala nito sa paghahanap nila ng trabaho.

“Salamat, bestfriend.”

KATULAD ng sinabi ng bestfriend niya’y mahaba na ang pila nang dumating siya sa tapat ng opisina kung saan nagaganap ang job interview. Umupo siya sa isang mahabang bench na nasa gilid ng interview room. Puno na ito kaya isiniksik na lamang niya ang sarili sa pinakadulong bahagi nito.

“Mabuti naman at nakahabol ka pa,” agad na sumalubong sa kanya ang kaibigan. Kalalabas pa lang nito ng interview room.

“Mahirap ba ang mga tanong?” iyon agad ang naitanong niya. Mangyari’y ito ang unang pagkakataong haharap siya sa isang job interview.

“Hindi naman.Hindi sila panel saka hindi personal ‘yong mga tanong. Mga basic question lang para sa isang secretary,” sagot nito. Pagkawika niyo’y hinagod nito ng tingin ang kabuuan niya. Nang mapagtanto ang suot niya’y tila nanlulumo itong napatanong, “Bakit ganyan ang suot mo?”

Unfold ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon