ENJOY READING!
**
Sunod –sunod na paglunok ang ginawa ni Aaron nang makita ang babaeng nakahubad sa harapan niya. Alam niyang nakita na niya ito ngunit hindi naman siya sigurado kung saan. Marahil dahil lango pa rin siya sa alak kaya nahihirapan siyang mag-isip.
“Hindi mo man lang ba ako papapasukin?” the lady asked while flipping her hair.
Hindi nakasagot si Aaron dahil napadako ang tingin niya sa malulusog na dibdib ng babae. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya upang pigilan ang pagwawala ng ibon niya.
“Kung ayaw mo akong papasukin, ako na lang ang kusang papasok,” pagtataray ng babae nang hindi siya sumagot.
Tuloy-tuloy itong pumasok sa loob ng sala niya.
“You don’t know how to accommodate your visitor, alam mo ba ‘yon?” pagpapatuloy nito habang inililinga ang paningin sa kabuuan ng pad niya. “Your house looks like a garbage bin.” She remarked.
Tila natauhan naman ang binata sa sinabi nito. “I’m sorry miss, but strangers are not welcome here.” Sambit niya habang nakasunod sa nakahubad na babae. Naiinis siya sa sarili dahil hindi niya maipagtanggol ang sarili niyang bahay. Totoo nga naman kasing hindi oraganized ang mga gamit niya.
Hindi siya marunong maglinis ng bahay at umaasa na lamang sa mga house cleaner na ipinapadala ng mommy niya tuwing linggo ng hapon.
“Wait. Where are you going?” naaalarmang tanong niya nung makita niyang patungo ang babae sa kwarto niya.
“I saw a room up there.” She answered while grinning. Nagpatuloy na ito sa pag-akyat sa hagdanan.
Muling napalunok ang binata at lalong nagpumiglas ang ibon niya. Damn it! Baka kung anong magawa ko sa babaeng ‘to kapag hindi pa siya umalis! sigaw niya sa sarili. Tumatagaktak na rin ang pawis niya at hirap na hirap na siya sa pagpipigil ng sarili.
He wanted to grab the lady and clasp her on his arms, kiss her and make out with her.
“Not there,lady.” Pigil niya sa babae nang matapat na ito sa pintuan ng kuwarto niya. Konti na lang talaga at bibigay na siya.
Humarap naman ang babae sa kanya at napakagat ito sa lower lip nito. Humakbang ito palapit sa kanya habang siya nama’y napahakbang paatras habang nanlalaki ang mga mata.
She leaned her face closer to his.
“Don’t worry babe, it won’t be long,” nang-aakit na wika nito na pinaglandas ang kanang kamay mula sa ilong niya, pababa sa bibig, sa leeg hanggang sa dibdib niya. “Will you please allow me to enter your room?” she asked while forming circles on his chest.
Nakuyom ng binata ang kamao niya. Malalalim na hininga rin ang pinakakawalan niya. Idagdag pa na nakikiliti siya sa ginagawa nito.
He was trying his best to control himself but she seemed to be enjoying what she was doing.
Mayamaya’y bumitaw rin ang hubad na babae at tuluyang pumasok ng kuwarto niya.
He was left standing there. Dumb-founded.
Nakita niyang pumunta sa isang sulok ng kuwarto niya. Tila may hinahanap ito.
“Ano ba talagang kailangan mo?” pinilit niyang palakasin ang boses kahit ang totoo’y hirap na hirap na siyang magsalita.
“Do you really want to know?” she smirked.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ng babae bago muling nagsalita. “Please, lady, tell me what you want. My birdie can’t take it anymore.” Gusto niyang matawa sa sarili. Ngunit higit ang pagkaawang nararamdaman niya ngayon. Dahil sa babaeng ito’y nakapagsalita siya ng mga bagay na alam niyang hindi ‘cool’ para sa isang lalaking katulad niya.
Ngumisi ang hubad na babae bago sumagot. “Stay your cool, boy.” She lingered her eyes around the room.
“Nasaan na ba ang banyo mo? Natatae na talaga ako.”
KANINA pa hindi mapakali si Lizzy. Ala-una na nang hapon ngunit hindi pa rin bumabalik si Abbie mula sa pamamalengke nito.
Kanina pa rin niya hawak ang cellphone niya para mag-abang ng text ng matalik na kaibigan ngunit wala pa rin siyang message na natatanggap mula rito. Kanina niya pa rin ito tinatawagan ngunit ‘out of coverage area’ palagi ang number nito.
She felt nervous.
Abbie, nas'an ka na ba?
Nang hindi makatiis, lumabas na siya ng apartment ng matalik na kaibigan. Wala na siyang pakialam kung muli man siyang pagtinginan ng mga tao.
Agad niyang napansin ang bracelet ni Abbie na nahulog sa daan nang makalabas na siya ng gate nito.
Agad siyang nilagom ng kaba at pangamba nang dahil doon. “Abbie…” she whispered her bestfriend’s name.
Mabagal ang mga hakbang na nilapitan niya ang bracelet ng kaibigan.
Nakaramdam siya ng pag-iinit ng mga mata habang pinupulot ang bracelet. Naiyakap niya ito sa dibdib.
Mayamaya’y tumunog ang cellphone niya. Agad niyang sinagot ang tawag nang makitang number ni Abbie ang naka-register na caller.
“Lizzy…please…tulungan mo ako…” basag ang boses na agad pakiusap nito. Ramdam niya ang labis na pagkatakot sa tinig ng matalik na kaibigan. “Lizzy, please…tulungan mo ako…” Abbie was crying while speaking. “Nandito ako sa…”
~to be~
puso mo XD
