Chapter XXII - The Fake Funeral

3.9K 30 2
                                    




Ipinalabas ni Paul na patay na si Eve sa pamamagitan ng pagkuha niya ng bangkay na walang kamag-anak. Hindi niya ipinabuksan ang kabaong dahil ayaw niya na malaman ng mga kapamilya niya na hindi siya iyon.

Pinasinungalingan niya na lang na si Eve ay namatay sa aksidente sa sasakyan at nagawa pa niyang sunugin ang mamahaling niyang sasakyan para maging kapani paniwala.

Labis ang pighati ng mga kapamilya, kaibigan at mga empleyado ni Eve ng malaman nila ang mga nangyari sa kanya na akala nila ay totoo.

Nakatakdang ilagak sa huling hantungan ang inaakala nilang bangkay ni Eve.

" Hu!hu!hu! Anaaaaak.........Sana ako nalang at hindi ikaw " iyak ng mama ni Eve habang ibinababa na ang kabaong sa ilalim ng lupa. Wala na atang mas masakit pa na mawalan ng anak.

" Eve... hindi kita malilimutan...hu!hu!hu!" kunyaring iyak naman ni Paul pero sa isip niya siya ay nag ce-celebrate dahil sa wakas makukuha na niya ang lahat ng kayamanan ni Eve at pwede na niyang pakasalan si Daisy.

" Eve.. kapatid ko, I'm so sorry wala ako ng kailangan mo" pagsisi ni Liz habang sinasaboy niya ang mga petals ng mga bulaklak sa libingan.

" Bess ma mi-miss kita..hu!hu!hu!" iyak ni Wendy.

Malungkot ang lahat pati na ang mga empleyado ni Eve.

" Sir Paul, condolence po sa nangyari kay Ma'am. Napaka bait po niya at hindi namin siya malilimutan" sabi ni Elisa kay Paul

" Maraming salamat sa pakikiramay ninyo, hindi ako alam kung paano ko haharapin ang bukas ng wala siya" sabi ni Paul.

" Magpakatatag kayo Sir. Ayaw makita ni Mam Eve na nagkakaganyan kayo" sabi ng accountant nila.

" Pipilitin ko maging malakas" sabi ni Paul

Eve secretly watch her own fake funeral not far away from them, she can see her two-faced criminal husband. Gusto niyang apitan ang mga magulang niya pero pinili nalang niyang wag magpakita at manatiling patay siya sa isip nila. Labis siyang nag aalala dahil isusunod ni Paul ang mga magulang niya!

" Magbabayad kayo sa ginawa ninyo sa akin!" sabi niya sa kanyang sarili, sa galit niya halos bumaon ang kuko niya sa trunk ng puno habang pinagmamasdan niya ang mga pag kukunwari!

-------------------

Nag anunsiyo ng meeting sila Paul at Daisy sa opisina dahil may gusto siya ipamalita.

" Good morning everyone" bati ni Paul sa mga empleyado.

" Good morning sir" bati nila.

" We have important announcement, batid naman natin na pumanaw na ang aking mahal na asawa at napakasakit sa atin nun" wika ni Paul at biglang napa luha ang iba.

" Simula ngayon ang tatayo sa naiwang bakante ng asawa ko ay ako bilang CEO" pahayag niya at nagpalakpakan ang lahat.

" ...and Daisy Reyes is our new Marketing President " dag dag ni Paul at nagpalakpakan ang lahat maliban kay Wendy.

" Since I'm your new Marketing President I am looking forward for your cooperation and support. Makaka asa ba ako sa inyo?" tanong ni Daisy sa kanila.

" Yes. Ma'am Daisy. We are with you" sabi ng mga empleyado nila

" Salamat sa inyo" sabi ni Daisy

" Hmp! From rugs to riches! Sarap sabunutan ng gagang ito. Kung nabubuhay lang si Mam Eve malamang sinipa na ito sa kompanya"  bulong ni Wendy.

---------------

Sa loob ng private office ni Paul ay may ibinalita ang financial lawyer tungkol sa mga naiwang ari-arian ni Eve.

Vindicta de Ave Maria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon