Chapter XVIII - He Is Not What You Think

14.2K 132 6
                                    

Dahil sa malapit na ang loob ni Eve kay Tony, naikwento niya ang lahat ng pangyayari sa buhay niya. Naka limutan ni Eve na may asawa siya dahil wala na siyang balita kay Paul magmula ng nakulong siya at napaka sakit ito para sa kanya.

" Hi, Eve. Kamusta ang pakiramdam mo?" bati ni Tony sa kanya at lumapit ito sa rehas upang makausap siya.

" Medyo masama pakiramdam ko, kanina pa"

" Gusto mo bang samahan kita sa clinic?" tanong ni Paul

" Naku, wag na. Naka toka ako ngaun mag linis ng CR" sagot ni Eve

" Hindi mo naman kailangan gawin yan, exempted ka sa mga mabibigat na trabaho dito" sabi ni Tony

" Baka naman sabihin nila nag sa-sakit sakitan ako" sabi ni Eve.

Walang ano ano'y tinawag siya ng warden.

" Eve Marie Cervantes, laya ka na!" pahayag ng warden

" Totoo po ba?" tanong niya na hindi makapaniwala

" Oo. Nandito asawa mo. Siya ang tumulung para makalaya kana"

Tumingin siya kay Jean at Rana

" Sabi ko sa iyo ate Jean, mahal ako ng asawa ko at hinding hindi niya ako bibiguin" sabi ni Eve

" Masaya kami sa iyo kakosang Eve" sabi ni Rana at kinamayan ito.

" Mag iingat ka Eve. Ma mi-miss ka namin" sabi ni Jean at niyakap niya ito.

" Salamat ate Jean at Rana. Bibisitahin ko kayo minsan" sabi ni Eve. Inilibas ng warden si Eve sa kulungan niya.

" Paano ba yan Tony. Makakalaya na rin ako. Hinding hindi kita makakalimutan" sabi ni Eve sa kanya at niyakap niya ito.

" Sige, mag iingat ka nalang, may baon ako paborito mong bopis kaso aalis ka na eh" ngiting sabi ni Tony

" Ano ka ba, mag kikita pa naman tayo. We are friends, remember?"

" Yes, friends" sabi ni Tony. Tinignan niya ng matalim ang mukha ni Paul at parang wala siyang tiwala dito pagkatapos sabihin ni Eve ang mga panloloko nito sa kanya.

" Okay. I will go now Tony. Nandiyan na ang asawa ko eh"

" Bye"

Na e-release ng warden ang papeles niya at nakalaya na siya at nandoon si Paul nag hinitay sa kanya sa waiting room

" Hon..... I miss you" sambit niya at niyakap niya ito, niyakap niya rin Eve pero walang emosyon ang mukha niya

" I miss you too. Tara na"

Minaneho ni Paul ang sasakyan niya, hindi alam ni Eve marie kung saan sila tutungo dahil iba ang takbo ng dereksiyon nila

" Teka, saaan ba tayo pupunta hon?" tanong ni Eve sa kanya.

" Sa Laguna, ilalayo kita dito sa Maynila dahil mapanganib na para sa iyo.

" Panganib saan?"

" Saka ko na ipapaliwanag sa iyo"

" Pwede bang dumiretso muna tayo sa bahay. Kukuha lang ako ng mga kailangan ko"

" Sige pero bilisan mo ha"

Dumiretso sila sa bahay ni Eve, pagbukas niya ng pintuan bumungad agad si Daisy sa tapat niya at nasampal niya ito.

PAK!

" Kapal ng mukha nandito ka pa pala, ahas! Layuan mo ang asawa ko" sigaw ni Eve sa kanya

" Mahal ako ng asawa mo at mahal ko siya" sabi ni Daisy na hawak ang nasampal na mukha

" Lumayas ka dito, ngayon na" sigaw ni Eve sa kanya at kinaladkad niya ito sa labas ng gate nila

" Eve, tama na. Hihiwalayan ko na ang babaeng yan kaya hayaan mo na siyang umalis" paki usap ni Paul

" Narinig mo ba ang sinabi ng asawa ko, hindi ka na niya mahal, kaya makaka alis ka na, bago kita ipalapa sa mga aso!"

Kaagad na umalis si Daisy takot siyang maging hapunan ng mga German dog ni Eve. Nagtungo si Eve sa kanyang kwarto kinuha ang ilang gamit, pera, damit, celphone at laptop at ang kanyang bag.

" Ready ka na ba, hon. Alis na tayo" sabi ni Paul

" Oo ito na ready na"

Pumunta sila sa Laguna tatlong oras pa ang biahe mula sa Maynila dahil sa traffic. Habang binabagtas nila ang San Pedro Road, naalala niya doon natagpuan ang katawan ng kuya niya. Ilang kilometro lang sa bahay bakasyunan ni Paul. Nagkataon lang ba ito?

" Dito ka muna mag s-stay Hon. Mas safe ka dito"

" Hindi kita maintindihan paanong nanganganib ang buhay ko?"

" Gaganti si Travis, yung lalaking nagpakulong sa iyo. Hindi niya matanggap na talo siya sa kasong sinampa niya sa iyo, alam niya kung saaan ka nakatira kaya at susundan ka niya kaya dito ka muna pansamantala para rin sa iyo ito at sa baby natin" sabi ni Paul.

" Mas mabuti pa nga ang naisip mo Hon"

" Pwede ba kitang iwanan dito dahil ako ang nag aasikaso ng business natin" sabi ni Paul

" Pero promise mo, wag ka na makikipagkita sa Daisy na iyon" paki usap ni Eve

" Wala na kami ni Daisy, Hon. Sinipa ko na siya sa trabaho. Sorry ha niloko kita, patawad" sabi ni Paul at niyakap niya si Eve

" Everybody deserves a second chance pero wag mo sana uulitin ha" sabi ni Eve

" Promise ko sa iyo at sa magiging baby natin"

Confident si Eve na nagbago na si Paul, alam niya sa puso niya.

Ang hindi alam ni Eve lihim pa na nakikipagkita pa si Paul kay Daisy. She is such a gullible and stupid in the name of love.

" Akala ko ba hahayaan mo mabulok yan sa bilangoan , eh bakit nakawala siya muntikan pa niya ako gawing dog food, ha?!"

" Would you  please stop stressing me. Nag iisip ako... relax ka lang may plano ako. I know what I'm doing" sabi ni Paul sabay lagok ng martini

" Hmmp...okay. I will trust you babe. You are the boss"

May kalakihan ang bahay bakasyunan ni Paul sa Laguna. Antique ang mga muebles at mukhang luma na rin ang bahay, masaya siya dahil sa wakas mabobou na rin ang pamilya niya at sa isip niya wala na ang balakid sa kanilang relasyon.

to be continue...

Vindicta de Ave Maria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon