Chapter XIX - The Dangerous Kind

17.2K 135 8
                                    

Masama ang panahon at nag iisa lang si Eve sa bahay ni Paul

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masama ang panahon at nag iisa lang si Eve sa bahay ni Paul. Isinara niyang mabuti ang lahat ng bintana at maging ang pinto dahil sa lakas ng hangin sa labas.

She took shower, she make sure that the smell of prison will wash away from her body at nagpaganda siya para kay Paul

Pagkaraan ng ilang oras nakatulog siya sa paghihintay kay Paul subalit wala pa ito

" Baka na traffic lang o huminto ang sasakyan dahil sa baha" sabi niya sa sarili. HIndi siya makatulog kahit mag a-alas diyes na ng gabi dahil sa pag aalala. Dahil bored siya binuksan niya ng TV pero walang magandang palabas naisipan niya na buksan ang laptop niya upang mag internet, kinuha niya niya ang bag niya upang kunin ang portable wifi. Biglang nag ring ang cellphone niya, tumatawag si Crista. Bakit kaya?

" Hello Crista, napatawag ka?

" Hello... Eve. Nasaan ka?" tanong ni Crista sa kabilang linya

" Nandito sa Laguna, sa bahay ni Paul. Bakit ?"

" Eve, makinig kang mabuti kailangan mong umalis diyan ora mismo..." pag aalala ni Crista

" Hindi kita maintindihan. Ano bang pinagsasabi mo? Lasing ka ba?"

" Napanoud mo ba yung CD na bigay ko sa iyo?"

Naalala ni Eve ang CD na bigay sa kanya ni Crista na naglalaman ng ebidensiya kung sino ang master mind sa pagpatay sa kuya niya. Kinuha ni Eve ang bag niya at nandoon pa ang mismong CD na tinutukoy ni Crista.

" Nandito, na sa akin ang CD. Teka paano ka nagkaroon nito?" takang tanong niya

" Eve, ako ang kumuha ng video niyan" pagtatapat ni Crista sa kanya

" Ha!" sambit niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Crista

" Si Dave... siya ang ipinagpalit ko kay Aldrin. Inutusan niya akong kumuha ng video habang tino-torture ang kapatid mo, Eve. Tapusin ang CD at diyan mo makikita mo kung sino talaga ang pumatay kay Aldrin, ayoko mismo manggaling sa bibig ko ang katotohan!" pagtatapat muli ni Crista.

Nanginginig na inilagay ni Eve ang CD sa kanyang laptop, pinindot niya ang fast forward... at nakita niya si Paul, ang kanyang asawa na may code name na Venom! Siya ang pumaslang sa kanyang kapatid!

Sa kabiglahan ni Eve parang mawawalan siya ng ulirat

" Eve... si Paul at Venom ay iisa. Kailangan mong umalis diyan dahil may masamang plano sila sa iyo..." babala ni Crista. Hindi makapagsalita si Eve sa balita ni Crista.. nabitiwan niya ang phone at napa upo sa natuklasan. Napa iyak nalang ito na parang mababaliw, sinabayan pa ng masamang panahon. The revalation she discovered is so painful and unstoppable like a flood!

" Hayop ka Paul..Hu!hu!Hu! Nagkamali ako ng pagpili sa iyo" pighati niya

Biglang may narinig siya malakas na kalabog

Vindicta de Ave Maria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon