Chapter XV - Moment of Truth

15.2K 128 4
                                    





Taurus ( April 20 - May 20 ) PRAY TO GOD

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Taurus ( April 20 - May 20 ) PRAY TO GOD. GO TO CHURCH EVERY SUNDAY. YOU WILL SUFFER FROM BETRAYAL. ONE DAY YOU COULD MURDER OR A MURDERER...

" You know what Daisy. I have a offer for you, pwede kitang gawing assistant or secretary ng kuya mo. I am sure ikaw ang makaka intindi sa short temper niyan pagdating sa trabaho?" she offered.

" That's good idea, Eve. Babantayan ko ang mga kilos ni kuya. Pag nagloko yan ikaw ang unang makaka alam, ha!ha!ha!" pabirong sabi  ni Daisy.

" Okay lang naman sa akin na ikaw ang pumalit kay Leila, at dapat alam mo ang ginagawa mo sa trabaho" sabi ni Paul

" I am easy learner kuya. Ikaw lang ang walang bilib sa akin. Buti nga napakabait sa akin ni Eve" sabi ni Daisy

" Wag na kayo magtalo. Ang importante naman magkakasundo tayo lahat sa bahay na ito" sabi ni Eve.

Nag umpisa mag trabaho si Daisy bilang sekretarya ni Paul. Hindi man lang alam ni Eve ang nangyayari sa loob ng private office ni Paul kasama ang kanyang querida.

" Alam mo yang asawa mo mukhang matalino pero saksakan ng tanga? Pero mabuti na iyon kasi tiwalang tiwala. Ano ba pinakain mo doon?" tanong ni Daisy.

" Ewan ko ba? Para kasing may kulang" sabi ni Paul

" Anong kulang?"

" Bihira na kami mag siping"

" Buntis siya! Remember?"

" That's not a reason. I think I am fall out of love with her. Nagiging malamig na ako sa kanya" pahayag ni Paul sabay lagog sa lumalamig na kape parang damdamin niya sa asawa.

" That's good news for me. Magiging akin ka na ulit. Iwanan mo siya pagkapanganak niya" sulsol ni Daisy, pero hindi pinansin ni Paul ang sinabi niya.

" Masahe mo nga ako, medyo masakit ang likod ko, please" pakiusap niya kay Daisy

Kumilos si Daisy at isinara ang pinto ng opisina ni Paul. Hinimas ni Daisy ang likod Paul

" Ohhh.. sarap naman ng masahe mo"

" This is what you missed since iniwan mo ako"

" I missed everything of you, Daisy" sabi ni Paul at hinalikan siya ni Daisy sa labi at itinuloy ang pagmamasahe niya kay Paul.

Hindi nila inaasahan na darating si Eve at binuksan niya ang pintuan at na abutan sila sa ganung posisyon, at pareho silang nagulat. Kaagad na inihinto ni Daisy ang pagmasahe sa asawa niya.

" Huh!!! Hon?" gulat ni Paul

" Minamasahe ko lang si kuya, Eve" sabi ni Daisy

" Ang sweet niyo naman magkapatid. Kung nabubuhay lang sana si Kuya Aldrin, ganyan din kami sa inyo" sabi ni Eve at medyo nalungkot ito dahil naalala niya ang kuya niya. Tumayo si Paul sa pagkaka upo at niyakap ang asawa.

Vindicta de Ave Maria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon