Grief is like the ocean; it come on waves ebbing and flowing. Sometimes the water is calm, and sometimes it is overwhelming. All we can do is learn to swim.- Vicki Harrison
Nanlalamig ang mga kamay ni Eve habang patungo siya sa morgue kung saan nakalagak ang malamig na bangkay ng kaniyang kuya. Halos mawalan siya ng ulirat, hindi siya makapaniwala na wala na ang kanyang kapatid na siyang lagi niyang kasama sa hirap at ginhawa. Mabuti nalang nandoon ang kanyang mga magulang na sila Mrs. Emma at Ex General Phillip at ang kanyang Ate Liz para sumuporta sa kanya.
" Mga hayop ang gumawa nito kay kuya, Mama" panaghoy ni Eve
" Hindi ko rin sukat akalain na mangyayari sa kanya ito anak. Masakit, napakasakit mawalang ng isang anak" Sabi ng mama ni Eve
" Pag pa ubaya nalang natin sa mga pulis ang nangyari iha, total may mga suspect na pagpatay kay Aldrin" Sabi ng papa ni Eve
Hindi mapigilan ang pag hagulgul nila Liz at Eve.
Hazing victim ang kuya ni Eve at Liz. Nagkamali ng pagpili si Aldrin ng fraternity sa sasalihan, akala niya ito ay makatao pero sukdulang pala ng karahasan. Walang naidulot ng mabuti.
Sa burol ni Aldrin, organisado ang lahat, nandoon ang lahat ng kaibigan niya na nakikiramay
" My condolence Eve, I am so sorry about what happened to your brother" sabi ni Crista ang girlfriend ng kanyang kuya
" Thanks Crista"
" Huli kaming magkasama sa Resto Bar, ang saya saya pa nga niya dahil anniversary namin, I did not expect na yun pala ang huling pagkikita namin" ani Crista
" Siguradong wala ka bang alam kung sino mga pumatay sa kanya Crista? Alam ko lagi kayo ang magkasama" tanong ni Eve
" Eve wala talaga, medyo malihim lang talaga yang kuya mo, hindi ko nga alam na sumali siya sa frat"
" Sana nga mahuli na ang mga kriminal na yan" tiim bagang na sabi ni Eve
Dumating ang BFF ni Eve na si Wendy, naka itim ito.
" Sis, nakikiramay ako" at niyakap ni Wendy si Eve. Pasensiya ka na kung naka itim ako, di ko akain na white pala ang motiv ng burol ng kuya mo" dagdag ni Wendy
" Okay lang yun. It is white because favorite color kasi ito ni kuya" pangiting sabi ni Eve.
"Oh by the way this is Crista, GF ni kuya" pakilala ni Eve sa kanya." Hi" bati ni Crista
" Hi din" bati ni Wendy sa kanya
" Excuse me, kuha ko muna kayo maiinum"
Pumasok si Eve sa kitchen room upang kumuha ng juice, narinig niyang may kausap sa phone ang kanya papa
" Yes, I want the result of this investigation as soon as possible, Major. Hindi pwede pagsawalang bahala ito" sabi ng papa ni Eve. Ibinaba niya ang phone at agad niyang kinausap ang mama ni Eve.
BINABASA MO ANG
Vindicta de Ave Maria
General FictionA journey of rich business woman Eve Marie, who was consumed by grief for the murder of her beloved brother, she seeks justice and revenge. Using her hypersexuality, her feminine wiles and her lethal charm to lure killers to their doom or will she...