Bumaba sila sa bangin upang siguraduhing patay na si Eve." Mga brad, patay na ata ito!" wika ni Dave habang pinagmamasdan ang walang buhay na katawan ni Eve
" Ano gagawin natin sa bangkay nito? Kinakabahan ako mga Brad!" tanong ni Adam na medyo natatakot baka mahuli sila ng mga pulis.
" Hoy ikaw Adam lagi ka nalang ganyan, imbis na makatulong ka, pampadagdag ka lang sa gulo!" singhal ni Dave
" Chill out! Ganito gawin natin, kunin ninyo ang bangkay niya at ilagay ninyo sa malaking sako" utos ni Paul
" Eh saan naman natin impierno itatapon ito?" tanong ni Adam
" Isakay ninyo ang katawan niya sa sasakyan. Ako ang bahala" sabi ni Paul
Sumunod sila sa utos ni Paul at pumunta sila sa lumang sementeryo. Humanap sila ng nitso upang doon ipasok ang katawan ni Eve.
Nakakita sila ng nitso pero may laman ito na may kalakihang kabaong. Sa loob noon ay may isang bangkay na naagnas na. Nakakasulasok ang amoy!
" Boss ang sangsang ng amoy. Dito ba natin ilalagay ang bangkay niya?" tanong ni Adam
" Oo diyan nga" sabi ni Paul na nakatakip ang ilong
" Sige umpisahan mo na ipasok yan habang wala pang nakakakita sa atin!" utos ni Dave
Isinimento nila ang nitso at saka nila iniwan at bumalik sa bahay ni Paul para linisin ang lahat ng ibedensiya.
" Well done mga Brad. May malaki kayong balato sa akin. Ha!ha!ha!" sabi ni Paul
" Inuman na!" sabi ni Dave
" Paano ba yan babe, makakapunta na rin tayo sa America!" tuwang sabi ni Daisy
" Hindi lang sa America lilibutin natin ang boung mundo" sabi ni Paul sabay halik kay Daisy
" Cheers!" pagbubunyi nila
" Aayusin muna natin ang lahat! Kailangan malaman ng mga pamilya ni Eve na patay ang kanilang anak sa aksidente. Ito ang daan para makuha ko ang insurance benifiary money na nagkakahalagang 50 million. Ha!ha!ha!" paliwanag niya sabay inum ng alak
" Sa papa anong paraan?" tanong ni Daisy
" Malalaman ninyo rin!" sabi ni Paul.
" Ang genius talaga ng babe ko!"
---------
Sa loob ng nitso ay madilim at masasang sang ang amoy.
Unti unting nagkakamalay si Eve at hindi niya alam kung nasaan siya. Pilit niyang iginalaw ang paa niyang namanhid. Ang mga kamay niya ay namanhid na din at may nakapa siyang madulas at malamig, napag alaman niyang siya ay nasa loob ng kabaong kasama ng isang bangkay na nasa tabi niya! Hindi siya makasigaw dahil wala siyang boses. Sa takot niya boung lakas niyang kinabog ang takip ng kabaong pero naka sealed lock ito.
Hindi na siya maka hinga!
Walang hangin!
" T-tulu--ngan ninyo a--akoo" pilit niyang hinanap ang boses niya kasabay noon ay pinawisan siya ng malamig
Hangang sa may narinig siyang kumakalabog sa labas na parang may sumisira sa nitso
" T-tu--tulong....." kaunti nalang ma su-sufocate na siya. She can't handle it anymore
Clash...Bog....
May tao sa labas ng nitso na tila may gustong sumaklolo sa kanya
Hanggang sa nakakita siya ng kaunting liwanag habang binabasag ng isang tao ang semento.
Si Tony Gallardo!
Binuksan niya ang kabaong at laking gulat niya sa na diskubre. Hubad na kawawang katawan ni Eve na puno ng pasa at sugat. Tumutulo pa ang dugo nito mula sa ulo dahil may tama ng bala. Hindi na siya natakot sa bangkay sa tabi ni Eve dahil gusto niyang iligtas ang babae sa lalong madaling panahon!
" Eve ...Eve!" pag aalalang wika ni Paul. Agad niyang binuhat si Eve palabas sa kabaong at tinapik niya ito sa mukha. " Gising Eve!"
" Hu-huwag maawa ka-kayo s-sa baby ko...." utal utal na sabi ni Eve
" Si Tony ito, Eve"
" T-Tony?" idinilat niya ang mga mata niya pero nawalan din ito ng malay. Dinala ni Paul si Eve sa kanyang bahay upang malunasan. Ayaw niya itong dalhin sa hospital dahil mapanganib baka balikan siya ng mga grupo ni Paul.
" Doc, Kamusta po siya?" tanong ni Tony
" Malala ang mga sugat niya, nagkaroon siya infection. Nagkaroon siya ng miscarriage. Pero wag kang mag alala. Nilinisan ko na ang mga sugat niya. Pagpahingahin mo nalang" sabi ng Doctor habang inaayos ang dextrose ni Eve.
" Salamat doc"
" Walang anuman"
Tatlong araw na walang malay si Eve at nandoon si Tony upang bantayan siya at gamutin ang mga sugat niya.
Isang araw nagkamalay si Eve at bigla itong bumungon
" Huwaaaaaaaaag!" sigaw niya
Narinig ito ni Tony at agad niya itong pinuntahan
" Eve... are you alright?"
" Ahhhh huhhhhh... hu!hu!hu!" iyak ni Eve at agad siyang niyakap ni Tony
" Tama na, Eve. Nandito lang ako"
" B-Binaboy nila ako Tonyyyyy...Pinatay nila ang baby ko!. Pinatay nila ... hu!hu!hu! iyak ni Eve, napaka init ng luha na umaagos sa kanyang pisngi, init na parang asido na nakakatunaw kasabay noon ay ang kanyang galit na nag uumapaw.
" Eve may nakakita sa kanila na may ginawa sila sa iyo na masama. Kaya nagpunta ako kung saan ka nila inilagak"
Pinunasan ni Eve ang luha sa kanyang mga mata
" Salamat"
" May nakatokang umaresto sa kanila subalit, binayaran nila ng malaki ang mga iyon. Malakas ang kapit nila sa mga pulis, at ang asawa mong si Paul Reyes ay anak pala siya ng isang senador kaya hindi nila mahuli"
" Mga wala silang budhi!"
" I'm sorry Eve. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko"
Nag tiim bagang si Eve. Hindi na niya aasahan mahuhuli ang mga ito.
Siya na mismo ang gagawa ng paraan
NGIPIN SA NGIPIN!
BINABASA MO ANG
Vindicta de Ave Maria
General FictionA journey of rich business woman Eve Marie, who was consumed by grief for the murder of her beloved brother, she seeks justice and revenge. Using her hypersexuality, her feminine wiles and her lethal charm to lure killers to their doom or will she...