Chapter XVI - The Accusation

14.9K 141 9
                                    

Nag iwan mag-isa si Eve sa bahay niya habang ang dalawa naman ay pumasok sa trabaho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nag iwan mag-isa si Eve sa bahay niya habang ang dalawa naman ay pumasok sa trabaho. Sinamantala ni Eve habang wala sila doon. Hinalungkat niya ang gamit ni Daisy dahil nais niyang malaman kung sino talaga siya sa buhay ni Paul. Nakita niya ang birth certificate nito at ang totoo nitong Pangalan ay Daisy Annie Nentes Cruz at hindi Reyes ang totoo niyang apelyedo! Nakita din ni Eve ang lumang litrato nila Paul noong high school. Magkababata pala sila. Naging sila bago siya.

" Sinungaling ka, Daisy. Impostor ka. Paano ninyo nagawa sa akin ito, hu!hu!hu!" napa upo nalang si Eve sa sakit ng nararamdaman niya. Napakasakit noon para sa kanya dahil this is her first broken heart. Una niyang minahal si Paul, binigay niya ang lahat sa kanya.

Pumunta siya sa kwarto nila at doon nagmukmuk, niyakap niya ang sarili sa dahil sa natagpuang katotohanan. Lumuhaan siya humiga sa kama, may nakapa ang paa niya sa dulo ng matres, tinignan niya iyon at ito ay isang CD na naka ipit sa kama nila. May nakalagay kung saan galing iyon.

" Galing kay Crista?" nabasa niya ang nakasulat, pinahid niya ang kanyang luha. Nais niyang malaman kung ano ang nilalaman ng CD na iyon. Sinaksak niya sa Laptop ang CD at tumambad sa kanyang paningin ang video kung paano pinatay ang kuya niya...

" Tama na.... tama na ahhhh. Hindi ko na kaya" hiyaw ni Aldrin sa sakit

" Tangna umaaray ka na? Umpisa pa lang yan Aldrin. Heto ang sa iyo!" sabi ng isang miembro ng ENO-EXO. Hinampas si Aldrin ng makapal na paddle.

Eve can't stand to watch til the end of that video so she immediately ejected the CD from laptop. Ayaw makita kung sino ang killer ng kuya niya. Ayaw na nga niyang humarap sa katotohan dahil ayaw niyang ma-stress, makakasama lang sa dinadala niya. Tinago niya ang CD sa bag niya upang ipakita sa mga pulis.

Ayaw niyang malaman ng Mama at Papa niya ang kanyang problema dahil baka sumbatan lang siya lalo na ang kanyang ina na ayaw na ayaw kay Paul. Umalis siya ng bahay upang makipagkita sa tita Mila. Siya na lamang ang taong makaka intindi sa kanya.

" Tita Mila..." nanabik si Eve sa yakap ng kanyang tita, parang gumaan ang lahat ng bagay

" Anak, bakit ka umiiyak? May problema ba?" tanong ni sister Mila. Hindi makasagot si Eve. Walang salitang lumalabas sa kanyang bibig at tanging luha ang sumagot sa mga tanong ni sister Mila.

" Alam ko na, nag away kayo ni Paul?"

" Tita I'm so down today. Paul...he...he betrayed me. May babae siya" she said as she cried.

" Shhhhh... stop crying Eve. I am here for you"

" Pagod na ako umiyak, ang bigat bigat ng pakiramdam ko, parang sasabog, ang sakit sakit. Hu!hu!hu! Sabihin mo tita Mila, ano ang dapat kung gawin, makikipag hiwalay ba ako sa kanya?"

" Ayusin ninyo yan, iha. Hindi dapat ganyan dahil mag kaka-anak na kayo, kawawa naman ang batang isisilang mo, lalaking walang ama"

" Tama ka nga Tita. Bibigyan ko siya ng isa pang pagkakataon para magbago" desisyon ni Eve. Pagdating niya sa bahay co-comfrontahin niya si Daisy at papalayasin nalang sa pamamahay niya kaysa naman idemanda niya ito.

Vindicta de Ave Maria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon