Chapter VI - Lawless

23.9K 186 6
  • Dedicated kay Rose Sagun
                                    

Dumating ang araw ng paglilitis sa tatlong suspek na miembro ng ENO-EXO , naroon ang mga magulang nila Eve at Liz, maging ang kanyang BFF na si Wendy para sa moral support

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dumating ang araw ng paglilitis sa tatlong suspek na miembro ng ENO-EXO , naroon ang mga magulang nila Eve at Liz, maging ang kanyang BFF na si Wendy para sa moral support. Hindi na inaasahan ni Eve na pupunta si Crista , na siya sana ang karagdagang magpapatotoo sa mga nangyari, pero tila may takot sa puso ni Crista.

Nandoon ang tatlong suspek na sila; Angelo, Adam at Travis naka sout ng dilaw na uniporme na pang preso. Ang dalawang master mind ay hindi nakikita o na aaresto. Nanlilisik ang mga mata ni Eve sa tatlo, na animoy bubugahan niya ng apoy ang mga ito hangang masunog.

Ang tatlong suspek ay naka ngisi pa, na tila sila ay mapapawalang sala, nakita ito na Eve, hindi maiwasang mapamura " Mga hayop kayo!" sabi niya sa sarili.

"Tumayo ang tatlong nasasakdal" sabi ng hukom, at tumayo ang tatlo na naka posas pa. Ito ang pinaka hinintay ng pamilya Cervantes, ang hatulan ang mga nasasakdal.

Naghawak kamay ang magkapatid,  sila ay kinakabahan sa desisyon ng korte, maging ang kanilang mga magulang

" Ayon sa pagsisiyasat, lumalabas na walang sapat na ebidensiya upang hatulan sila Angelo Quervo II, Adam Lopez at Travis Cerezo Jr. Sila ay pinapa walang sala" pahayag ng hukom, at ibinaba niya utos na iyon, ora mismo.

Umakyat ang dugo sa ulo ni Eve, napaluha ito. Masikip na sa dibdib ang gusto niyang sumabog.

" Mga walang hiya! Aapela kami, dapat sa inyo makulong, mga hayup!" sigaw ni Eve, papunta na sana si Eve sa tatlong suspek kahit papaano para makaganti pero pinigilan siya ng pamilya niya, nagpupumiglas ito at ayaw paawat. Narinig ito nila Angelo, Adam at Travis

" Hoy miss, wala ka ng magagawa, malaya na kami, kung ako sa iyo mag sumbong ka sa kuya mo, ewan ko nalang kung mabuhay iyon, ha!ha!ha!" halakhak ni Travis

Ngumisi sila Adam at  Angelo at nag dirty finger pa ito sa pamilya ni Eve.

" Anak tama, please. A-apela tayo,as soon as possible" sabi ng papa ni Eve

" Hu!hu!hu! Pa lagi nalang ba tayong ganito, nag aantay lagi sa wala?" tanong  ni Eve

" Umuwi na tayo, iha, walang mangyayari sa atin dito. Talo tayo sa kaso ngaun, pero tandaan mo Diyos na ang babawi sa kanila" sabi ng Mama ni Eve

Matamlay na umuwi ang pamilya Cervantes, hindi nila alam kung paano sisimulan ang pag apela sa kaso.

----------------

Natuwa ang dalawang master mind na sila Venom at Alpha sa desisyon ng korte

" Salamat talaga Venom sa tulong mo, kung hindi dahil sa iyo,hangang ngayon nasa kulungan parin kami" pasasalamat ni Angelo

" Pasalamat kayo kay Dad, milyon ang binayaran niya kay judge para maareglo ang kaso niyo" sabi ni Vernom

"  Hoy Vernom ng dahil sa iyo nakulong kami, hindi ko ginusto mapatay mo si Aldrin" pagsisi ni Adam

" Manahimik ka nalang g@g0 ka! Gusto mo bang bumalik sa malamig ng rehas at pagpistahan ng mga barakong preso ang tumbong ha!" nairita si Venom sa tinuran ni Adam

" Sabi ko nga, tatahimik nalang ako eh" sabi ni Adam

" Bweno, dapat mag celebrate tayo ha!ha!ha!" sabi ni Alpha

" Everything is sorted! Let's have fun" sabi ni Venom

" Tara, saan tayo tambay?" tanong ni Adam

" Kahit saan. Wait lang, kausapin ko muna si Erpat"

Isang senador ang ama ni Venom, malakas ang kapit niya sa Judge at ilang kapulisan kaya mabilis na naayos ang lahat, maging sila Venom at Alpha ay imposible pang kasuhan.

Pumunta si Venom sa private office ng ama niya, narinig niyang may kausap ito sa telepono

" Oo.. Judge. Salamat pala sa lahat. Goodbye" ibinaba ni Senador ang telepono.

"...Dad?" si Venom

" O may kailangan ka?" tanong ni Sen sa anak

" Dad, thanks for everything  "

" Tonto ka!. Wag mo na sana uulitin ang mga katarantaduhan mo, sa susunod na uliltin mo pa ito, ako sa ang mag papa kulong sa iyo at mga ka kabarkada mo!" sabi ni Sen

" Promise dad"

" Asikasuhin mo na ang visa mo pa US bago pa mag apela ang pamilyang na agrabiado niyo"

" Hindi muna Dad, nag eenjoy pa ako dito eh"

" Puneta ka, bahala ka sa buhay mo, wag mo ako sisihin sa mga mangyayari sa buhay mo ha!

" Promise ulit dad" pangako ni Venom sa ama.

Nagpakasaya ang ENO-EXO na parang walang katapusan ang lahat , taliwas sa pamilya ni Aldrin, na hangang ngayon ay hinabol ang hustisya na kay ilap na parang ibong ayaw pahuli.

Vindicta de Ave Maria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon