Chapter XXVII- The Plan

3.7K 29 0
                                    


" Noooooooo....This is bullshit news!" sigaw ni Paul sabay tapon niya sa baso ng beer dahil sa nabalitaan niyang patay na ang kanyang mga kaibigan at walang itinirang buhay. Hindi niya alam kung sino ang tumapos sa kanila. Sa palagay niya ay pinag sa-salvage sila.

" Babe relax ka lang. Baka naman may mga kaaway sila or may naka banga. Hindi natin alam" wika ni Daisy

" Palagay ko nga. Siya nga pala, gusto na nga ni Daddy na madaliin na natin pag punta sa America para magpalamig muna" sabi ni Paul

" Yan naman talaga ang gagawin natin tutal nasa atin na lahat ng pera ng ex-wife mo, babe" dagdag ni Daisy

" Tama! Siguro hangang dito nalang talaga ang buhay ng mga mokong na yan. Bless their soul" Paul said as he poured another glass of beer to  his glass.

-----------------------------

Dahil sa dami ng trabahong tinatapos ni Elisa sa opisina, nag pa iwan ito upang mag overtime. Gabi na ng matapos ito. Isinara niya ang opisina nila at pumunta ito sa comfort room. Habang nag ma-make up siya, biglang lumitaw si Eve sa likod niya at nakita niya ito sa reflection ng salamin. Laking gulat at takot niya!

" Ahhhhhhhhhhhh.......Ma'am Eve. Wag ninyo po akong mumultuhin. Please, matatakutin ako!" sigaw ni Elisa habang nakapikit. Hinawakan siya ni Eve

" Elisa, huwag kang maingay. Tignan mo ako!" sabi ni Eve sa kanya at binuksan ni Elisa ang kanyang mga mata.

" Ma'am ikaw ba talaga yan? Hindi ba patay na kayo?" hindi mapakaniwalang mangha ni Elisa

" Hawakan mo ako. May patay bang nagsasalita sa harap mo?"

Hiniwakan ni Elisa si Eve at laking tuwa niya sa nakita

" Ma'am...Pa--paanong nangyayari?"

" Buhay ako Elisa. Si P-paul at Daisy sila ang mga kagagawan ng lahat. Malas nila iniwan nila akong buhay. Ngayon nasaan sila?"

" Ma'am Eve... Lumipad na sila papuntang America kahapon!" sabi ni Elisa

" Whaaaat? Shit!"

" Oo Ma'am. They took over everything here. Sabi ko na nga ba halang ang bituka ng Daisy na yan.

" Hahanapin ko sila Elisa!" sabi ni Eve

--------------

Umuwi si Eve sa lihim na tirahan kasama si Tony.

" Hangang kailan mo dadalhin ang galit na yan Eve. Inilagay mo ang batas sa kamay mo dahil yan sa galit at paghihiganti mo? Hindi mo alam ang kahihitnatnan ang lahat ng ito"

" Tony kulang pa ang kamatayan nila sa mga ginawa nila sa akin. Laking malas ko lang dahil ang hayop kung asawa ay tumakas sa malayo kasama ng kanyang querida! Hahanapin ko sila Tony hangang sa impierno!" sabi ni Eve

" Eve, hayaan mo ang batas ang mangibabaw, ayoko ulit makulong ka dahil sa pinag gagawa mo. Concern ako sa iyo Eve dahil... dahil napamahal ka na sa akin. Mahal na ata kita" pagtatapat ni Tony

" Tony mamahalin mo ba ang isang katulad ko na sirang sira na. Hindi magmamahal ang nararamdaman mo sa akin kung hindi awa.

" Pero sigurado ako sa nararamdaman ko sa iyo"

" Hindi ka naman mahirap mahalin Tony. Mabuti kang tao, mas marami pang babae diyan na mas hihigit sa akin" sabi ni Eve pero alam niya sa sarili niya na mahal niya ang binata, siya na lamang ang makakapitan niya.

" Eve.........."

".......wag mo ako pahirapan Tony. Bigyan mo ako ng panahon para makapag isip. May dapat akong gawin... at ako mismo ang susuko sa iyo sa oras na maisagawa ko ang plano ko" 


Vindicta de Ave Maria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon