Chapter XXIV - Burning Alive

3.8K 38 2
                                    



Bumangon ng maaga si Adam at saka nag bihis upang pumunta sa kayang trabaho bilang interior designer sa isang malaking companya. May tinatapos siyang project, isang multi million building.

Isang araw may clienteng tumawag sa kanya para mag inquire sa serbisyo niya

" Who's calling?" tanong ni Adam sa kabilang linya

" Uhmm.. This Katherine. I would to inquire kung makaka visit ka dito sa place ko . I need to refurbish my bake shop as soon as possible" sabi ng babae sa kabilang linya

" How did you get my number?" nagtatakang tanong niya

" I've got your calling card, silly!"

" Oh yeah I remember because I am a famous interior designer that's why you know me" pagmamayabang na sabi niya.

" Kailan ka naman kayo available puntahan?" tanong niya sa cliente.

" Anytime, I'm always here"

" That's interesting Miss katherine. I will be there as soon as possible. Can I have your address, please"

" 21 Mariposa Street, Bulacan"

" Okay Bye!"

" Bye"

Pumunta si Adam sa nasabing address sa Bulacan, hindi niya sukat akalain napaka layo pala ng Bake Shop ni Miss Katherine. Mahaba haba ang nilakbay niya.

At nakarating din siya sa ibinigay na address sa kanya. Isa itong lumang bakeshop.

Kumatok siya sa pintuan at binuksan ito ng babaeng naka sunglass at may bandana sa ulo at may makapal na lipstick.

" Good morning , you must be Miss katherine, right?" tanong ni Adam

" That's right and you are Adam?"

" ...at your service!"

" Pasok ka, Mr. Adam"

" Adam nalang"

" Okay Adam, pasensiya ka na sa lugar na ito ha. Gusto ka na sana buksan ito next month para makapag simula na ako"

" Okay lang. The first thing to do is palitan nating ang mga walls, medyo magigiba na kasi sa kalumahan"

" Palagay ko nga, mas matibay mas mabuti for safety na rin ng mga customer baka mabagsakan pa sila ng mga debris. Ha!ha!ha!" tawa niya

Ngumiti na lamang si Adam

" Matanong ko lang po bakit po kayo naka sunglass eh magtatakip silim na? tanong niya

" May sore eyes kasi ako at ayoko maka hawa" sabi niya

" You look familiar pero hindi ko maalala" sabi ni Adam sa babae

" Marami lang akong hawig. My doppelangers are everywhere"

" Well sorry for my nonsense question. Anyway let's get back to business"

" Before we start, can I offer you coffee or tea?"

" I would love to have a black coffee, please" hiling niya

" Sure. Please take a seat and I'll be back with your coffee"

" Thanks!" sabi ni Adam. Habang nagtitimpla ng kape ang babae. Luminga linga si Adam sa paligid. Weird ang lugar na ito at aabutin ng maraming buwan bago maayos iyon, kung baga dapat doon ay over hauling. Tumayo siya at tinignan ang mga malaking hurno , naglalagablab ito sa apoy at nagtaka siya dahil hindi naman nag ba-bake ng cake o gumagawa pa ng tinapay ang kaniyang cliente

" Hi Adam! Here is your coffee" sabi niya sabay abot niya kay Adam

" I'm interested with this stuff" turo ni Adam sa hurnohan

" Ah yan ba? Pinamana sa akin yan ng lolo ko. As you see this is vintage. Take a look closer for you to see the details of markings" sabi ng babae

Because of curiosity, lumapit siya sa malaking hurnohan.

" Bubuksan ko para makita mo ang loob" sabi niya.

" Hindi na, baka mainit at mapaso pa ako" tangi ni Adam

" Hindi naman. Come and let see" sabi niya habang binubuksan ng babae ang malaking hurnohan at walang ano ano'y buong lakas niyang itinulak si Adam sa loob ng nagbabagang hurnohan.

" Hey... what the fvck you are doing!" sita ni Adam sa kanya. Ini-lock ng babae ang hurnohan at napasigaw si Adam sa hapdi ng init sa loob.

Nakakapaso at nakakatunaw ng balat sa init na 400 degrees!

" Bitch.. buksan mo ito kung hindi malilintikan ka sa akin!" sigaw ni Adam sa loob pero hindi marinig pa ng babae ang sigaw niya dahil sa makapal ng glasses at secured na lock.

Sa labas tinanggal ng babae ang kanyang salamin at bandana sa ulo at kitang kita ni Adam na si Katherine at Eve ay iisa.

" Ha!ha!ha, Now Adam it is your turn to torture. Masusunog na ang kaluluwa mo sa impierno! Adios!" wika ni Eve.

" Nooooooooooooooooooooooooooooooo!!!..........." sigaw ni Adam sa loob habang natutustang buhay.

" Happy creamation Adam!" sabi ni Eve sa sunog na bangkay ni Adam.

❌ - TRAVIS
❌ - ADAM
✔️- ANGELO
✔️ - DAVE
✔️ - PAUL and DAISY

Angelo you are next

Vindicta de Ave Maria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon