Chapter XXIII - Eaten Alive

3.8K 44 2
                                    




...Pray to God. Go to church every Sunday  and He forgive all your sins. You suffer from betrayal. One day you could murder or  even a murder....


Kinaumagahan pumunta si Daisy sa likod bahay upang tignan ang mga alagang aso ni Eve, nagtaka siya bakit tumahimik ang mga ito, dahil hindi siya pinatulog ng mga ito kagabi sa kaka-kahol ng mga aso. Subalit laking gulat niya ng makita niyang wala na ang mga ito. Ang dalawang aso ay nawawala! Pero siyang paki alam dahil hindi niya gusto ang mga ito. Mahigit isang lingo na nga nilang hindi pinapakain ang mga aso at tiyak gutom na gutom na sila.

" Buti naman ninakaw ang mga monster na iyon para makatulog na ako sa gabi...hmp!" sabi ni Daisy sa sarili.

-----------

" Patawarin ako ng Diyos sa gagawin ko ito lang ang paraan para mailigtas ko ang pamilya ko sa tiyak na kapahamakan at para manahimik na ako" sabi ni Eve sa sarili

-----------

12:45 ng madaling araw nakatakdang isakatuparan ni Travis ang pagpaslang sa mga magulang ni Eve sa pamamagitan ng Arson o pagsunog sa kanilang bahay. Nagdala siya ng dalawang container ng gasolina upang isaboy sa boung kabahayan ng pamilya Cervantez. Siguradong manganganib ang buhay nila dahil wala silang kamalay malay sa mga nangyayari.

Lihim na sumakay si Eve sa van ni Travis, patungo siya sa tahanan ng mga magulang niya. Habang nag da-drive pa sipul sipul pa ito hangang makarating siya sa kanyang destination.

Bumaba siya ng sasakyan kasabay noon ay lihim din na bumaba si Eve at nagtago sa mga puno, pinapanoud niya kung ano ang susunod na gagawin ni Travis.

Habang Ibinaba ni Travis ang mga gasoline containers mga biglang may humataw sa likuran niya at nawalan siya ng malay!

Nagkamalay nalang si Travis sa isang lugar na hindi niya alam, tila isang lumang bodega. Nakatali ang mga kamay niya at hubo't hubad. Nagpakita si Eve sa kanya, halos hindi siya makapaniwala.

" E-eve..bu-buhay ka?" takot na sabi ni travis

" Hindi ba halata, Travis?" nakangising tanong ni Eve

" So-sorry... Please pakawalan mo ako dito!" pagmama- kaawa niya

" Ang kapal ng mukha mo magmaka awa, nu?"

" Wala akong kasalanan, inutusan lang ako ni Paul na gawing meserable ang buhay mo sa kulungan. Inutusan din niya ako na tapusin ang mga magulang mo" nanginginig na paliwanag niya

" Kahit ano pa ang sabihin mo, tapos na ang lahat. Nangyari na ang dapat na hindi mangyari"

" Please Eve... hindi na mauulit... kalagan mo ako dito"

" May gustong makipagkita siya Travis" sabi ni Eve at dinala niya ang kanyang dalawang German dog sa bodegang iyon na gutom na gutom!

Nagkakaka kahol ang mga aso sa gutom

" Waaag Eve. Ilayo mo ako sa kanila...." nginig na sabi niya.

" Gutom sila Travis at ikaw ang magiging hapunan nila bilang kabayaran mo sa mga ginawa mo sa akin"

" Waaaaaaagg................." hiyaw ni Travis sa takot na naghuhulagpos

" EAT!" utos ni Eve sa kanyang dalawang German dog at sa gutom humangos ang mga ito kay Travis at nilapa siya ng buhay hangang sa huling hininga!

" Aaahhhhhhhhhhhhhhhhhh....."

" Yan ang nababagay sa iyo!" sabi ni Eve

Nagtagumpay si Eve sa una niyang paghihiganti. Alam niya kung sino ang susunod.

❌ - TRAVIS
✔️ - ADAM
✔️- ANGELO
✔️ - DAVE
✔️ - PAUL and DAISY

Adam you're next.....

Vindicta de Ave Maria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon