4. Your Setting

2.2K 85 4
                                    

In works of narrative (especially fictional), the literary element setting includes the historical moment in time and geographic location in which a story takes place, and helps initiate the main backdrop andmood for a story. Setting has been referred to as story world [1] or milieu to include a context (especially society) beyond the immediate surroundings of the story. Elements of setting may include culture,historical period, geography, and hour. Along with the plot, character, theme, and style, setting is considered one of the fundamental components of fiction.[2]

Palakpakan! Salamat wikipedia ang galing mo. Nasagot mo agad ang tanong ko. Bweno, alam niyo na kung ano ang SETTINGS? Pamilyar naman po siguro yan sa Filipino at English niyong lesson, tama po ba? 

Ang settings po ay para sa akin ito yung nagsisilbing giya sa storya natin. Kasi po, kung wala nito hindi malalaman ng mga readers kung saang lupalup na ang iyong characters diba po? Ano ba ang nilalaman ng settings? Time and Place, kung sa tagalog pa oras at lugar. Dito mo malalaman kung nasaan na si ano at anong oras, ilang taon naba sila. Sa madaling salita, ang settings po natin ay laging sinasama. 

Paano nga ba maglagay ng oras at lugar yung hindi mapapansin na obvious ang pagkalagay mo talaga? Ito po ang tips ko para sa inyo:

1. Dapat swabe lang ang pagkalagay - Opo, mas maganda kung swabe lang. Yung cool lang ang pagkalagay, kung ihahalata mo ito sa readers, edi syempre parang sasabihin nila ang cliche ng pagkasulat mo. Sa pagsulat po kasi, dapat hindi ka obvious na nagbibigay kana pala ng impormasyon sa kanila. Show but don't Tell. yan po ang isa sa mga natutunan ko dito sa wattpad.

Example:

"Hoy! Lugar ito ng pag-aaral at hindi pagtutulog Selin."

Napamulat naman ako sa walang hiyang paggising ng pinsan ko, ay nakatulog pala ako dito. Sinuri ko ang kabubuoan dito sa library, nanlaki ang mata ko at nawala yung antok ko. Wala na pong tao, anong oras na pala? Hala! Lagot ako kay mama nito. Naalala ko na may binilin pala siya sa akin na pera para mamalengke. Naku naman! Bakit ba kasi ang sarap matulog.

"Anong oras na pala insan?"

Walang gana siyang tumingin sa wall clock dito sa library at tiningnan ako na parang nagsasabing idapat ko pa bang itanong. "7 pm lang naman insan. Oh ano? Gulat ka no? Gusto mo dito ka nalang matulog eh." 

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagligpit ng mga kagamitan ko. 7pm? Naku! Ewan ko nalang. 

2. Wag pong OA - May iba po kasi na sobrang OA na sa paglagay ng mga fictional names sa mga lugar. As long as you can do, just be realistic. Opo, alam ko pong fiction lang lahat, pero diba po mas maganda kung yung simple words lang gagamitin mo ay mas maganda at mas madaling banggitin. Pwede naman kung maglalagay ka ng name ng isang lugar o yung pangalan ng isang company/school/ o kung ano pa jan ay apelyedo ng character mo para mas madali at ma-alala mo lang agad. O kung wala ka na talagang magandang pangalan na mailalagay, edi isulat mo nalang ang specific na bagay o lugar. Hindi naman po kayo nag-eendorse ng bagay para i-indicate kung kanino yan. Kung sa tingin mo ay hindi na siya importante ay wag mo nalang ilagay. Ang importante ang malalaman ng mga readers kung saan at anong oras na. 

Tandaan: Ito po ay galing po sa akin, hindi po ako nangopya o kung anuman ang tawag niyo. Ito po ay ginawa ko talaga ang itong tips kong ito. Kaya nga tips diba? Dahil na-apply ko na mismo sa sarili ko. Yun lang po salamat! :))

GlovitaMalditah ♥

Tips and Advises of Ate Glovie on How to Make a StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon