17. Ate Glovie's Advice

1.5K 85 42
                                    

Last thread: Ate Glovie’s Advice

Hi. Last thread nato kaya sulitin na natin. Una sa lahat, ako si Glovie E. Jurado, 20 years old, babae, Ipinanganak sa Quezon City, Manila, pero lumaki dito sa Zamboanguita, Negros Oriental. Bisaya ako mehehe! Hi sa tanang bisaya diha :))

Ps. I am not a professional writer nor have a published story. Like you, natuto lang din akong sumulat ng isang story dahil sa wattpad. Thanks for that, nang dahil sa kanya, nagkaroon ako ng opportunity na gawin kong imposibble ang possible.

Sumulat ako dahil iyon ang gusto ko. Gumawa lamang ako noon ng wattpad account, kasi matapos kong basahin ang BTCHO nalaman kong sa wattpad pala siya galing ay naghanap ako ng iba pang stories.

Hanggang sa naadik akong magbasa, at kalaunan gumising ako isang umaga na gusto ko ring magsulat ng story gaya ng mga nababasa ko.

Nainspire ako sa kanila, pina-inspire nila ako.

Sana po, ganun din kayo. Nakakalungkot lang kasi sa iba na gumawa sila ng story tapos pinipilit nila yung story nila na i-vote at i-comment ang gawa nila nakakadissapoint po kapag ganun. Nasubukan ko na ‘yan noon pero in the end hindi ako natuwa. Kasi nga sapilitan lamang siya, so what I did, naghintay lang ako. Everyday po akong online sa wattpad dahil isa po akong operator ng computer shop at ito po ang naging libangan ko, kapag walang ginagawa. Before I log in and out, tinitingnan ko talaga ang account ko sa watty kung may notifs ba or message hehe.

“Yung time na wala pa akong readers kahit silent readers man lang, nalungkot ako. Sabi ko sa sarili ko, sige lang darating din sila, sa dami ba namang on-goings ngayon na matagal ang updates, alam kong mapapansin nila ang gawa ko.”

Yun nga, until one day dumating ang himala. May nag-aadd na sa kanilang RL sa story ko. Happy ako talaga, as in super happy ko talaga.

Ang sa akin lang naman, huwag kang mawalan ng pag-asa, kasi kapag sumuko kana, ibig sabihin tapos na rin ang misyon mo sa buhay. Fight lang ng fight, wala namang masama kung gagawin mo ang mga gusto mo sa buhay.

Huwag mo po pilitin ang isang bagay hindi dapat sa’yo. Huwag po sana tayo magpumilit na sumikat, illegal po ‘yon, darating din ang araw na maeexperience mo rin kung paano maging sikat basta marunong kang maghintay.

Love your work. Do not write a story if you don’t love writing. Para saan pa at nagsulat ka? Para sumikat? Gumaya sa iba na may mga published stories na? Neng, ‘wag kang ganyan, sila pinagpala ni Lord kaya nila nakamit iyon. Magsumikap ka, try harder wag kang mag-short cut huwag maging tamad dahil lahat ng pagod mo ay nasusuklian kapag marunong kang kumayod.

Read other’s work because you love reading. Do not read a story on purpose, enjoy them yet learn from them. Ako, nagbabasa ako kasi mahilig akong magbasa, since napasok ako sa mundo ng wattpad nahiligan ko na ang magbasa. Pero, inoobserbaran ko rin ang uri ng pagsusulat nila, hindi mo naman kasi yan maiiwasan kasi marami ka ring nabasa na story. Mahilig ako sa comparison, si ano ganito magsulat, si ganyan ganito magsulat. So on and forth. Magbasa ka ineng, at the same time inoobserbaran mo ang kanilang ideya. Hindi iyong nagsulat ka lang kasi may dahilan ka. Swear, hindi ka magagandahan sa binabasa mo kapag ganun.

Chapter 1 must be the apple of your eye. Ako kasi, chapter 1 palang nakaka-intimidate na sa magbabasa, gusto ko chapter 1 palang may impact na. Dapat naiinteresado kana. Pero may iba rin na boring sa simula pero sa middle part maganda na. Pero ako, kapag boring ang simula ayoko ng basahin pa.

Conversations must have ‘sense’ too. Kung sabaw ang mga conversations mo, para naring walang buhay ang gawa mo. Dapat palaging may sense ang bawat sinusulat mo, hindi yung sulat ka lang ng sulat pero wala namang sense. Useless lang.

Divide your novel into 3 parts. Ako, hanggang 50 chapters ang limit ko sa isang novel ko, mataas na ang 60 para dyan may 60 chapters ako kasi sobrang taas nga ng storyang yun hehe, limit ko lang talaga ay 50-60 lang. At sa 50 chapters na ‘yan, dine-divide ko sila into 3 parts. Chapter 1-15 introducing of all characters, developing of feelings, and knowing the characters and all the minors that involved in the story. Chapter 16-35 conflicts, Chapter 36-50 the answers from the puzzled question from your previous chapters. Yes, kailangan mong i-hinay-hinay na ilabas ang rebelasyon mo, huwag mong isiksik lahat sa last part ng story mo.

Polish your work, edit your work. Check your typos, grammars and everything.

Be humble, be thankful, be happy.

Yan lang ata. Goodluck sa inyo, goodluck sa ating lahat. Mehehe, sana marami kayong natutunan dito. At natutuwa ako kapag sinabi ninyong nagbabasa kayo sa thread ko. Thank you po. Mwaaaa :))

Loves na loves ko kayo, as in super duper mwaaa mwaa,

Ate Glovie ♥ 

Tips and Advises of Ate Glovie on How to Make a StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon