Any discussion about the importance of minor characters to a novel, film or play, begins with a discussion about characters in general. Characters -- the people that inhabit the story -- must be well-rounded, realistic and should resonate with the reader. The reader should connect with all the characters, heroes, villains and bit players. After all, great characterization turns a novel into a new world. And in that new world, minor characters play a major role.
Just as in real life, the people that surround the main character speaks a lot about the protagonist's personality. In Michael Chabon's "Mysteries of Pittsburgh," the main character, Art Bechstein, is trying to move away from his father's ties to organized crime. But he quickly makes friends with a young man, Cleveland Arning, who is every day delving deeper into organized crime. Arning's connection to the mob tells us that Bechstein is more like his father than he wants to be, as he is attracted to the same people and lifestyle as his father.
I'm just giving you a small piece meaning of what is the importance of the minor character. Ano nga ba ang kahalagan nito sa paggawa ng storya natin, bakit kailangan sila bigyan ng exposure?Una sa lahat, reflect it to your self. Isipin mo yung ikaw ang bida sa sarili mong buhay. Wala kang kaibigan, wala kang pamilya, wala kang ibang kakilala except sa sarili mo syempre ang boring diba? Ganyan din sa paggawa ng storya magiging boring ang kabubuoan kung puro bida ang laging mong ine-expose.
Ang mga minors natin ay pwedeng antagonist, kaibigan ni bida, katrabaho ni bida, kapatid ni bida, kapamilya ni bida. Opo dahil sa mga minor characters natin ay sila ang nagbibigay advise o di kaya tinutulungan ang bida upang mas maging matatag. Ganito naman diba sa totoong buhay, may mga tagapagpayo ka dahil minsan hindi mo na alam kung ano ba ang dapat gawin.
Dalawang uri ng Minor Characters:
1. Kontrabida- At syempre kung mayroong bida meron ding kontrabida. Ito ang tinatawag nating ANTAGONIST. Ano nga ang kahalagahan nila sa storya na ginagawa natin?
Ang antagonist ay pwede din nating tawaging bilang SEMI-MAJOR CHARACTER dahil bukod sa kontrabida sila, nagbibigay misteryo din sila sa mga bida. Gets niyo po ba? Ibig kong sabihin, sila yung nagbubulgar ng mga lihim na sikreto ng ating bida na matagal ng tinatago o pwede ring sa sarili niyong paraan. Binibigyan ko lang kayo ng simple example sa mga kontrabida. Kasi kadalasan kasi sa kanila ay traydor, matagal na kaibigan ni bida, kapatid and so on.
2. Kaibigan/Kapatid/Kapamilya ni bida : ito yung kakampi nila sa storya, dito si bida humuhugot ng lakas dahil gaya nga ng sinabi ko kamakailan lang ay sila yung nagbibigay payo sa bida natin. Sila ang mga tumutulong sa bida natin.
Ang minor characters natin ay mahalaga, kasi bakit? Kung sa tindahan pa iyan, sila ang display of attraction natin. Sila yung sales talk natin kung sa business naman ang pag-uusapan. In short, kahit extra lang sila malaki ang impact nila sa storya. Gets? :)
Advise ko lang sa mga maglalagay ng minor characters :
1. Wag mong laging isingit ng isingit siya - of course, hindi bida ang minors mo kaya wag mong bigyan ng napakahabang exposure. Wag mong higitan sa bida.
2. Bigyan din sila ng POV- kahit maikli lang ay ayos na yan para malaman ng readers kung ano ang buhay din ng mga minors natin at kung ano ang mga saloobin nila. Pero wag mong habaan ang pov niya ha? Yung sakto lang, at kung magkakaroon man isingit mo si bida. Of course, dahil sila naman talaga ang bida sa storya kaya dapat nanjan sila. Hindi yung binibigyan mo din sila ng sariling buhay na wala naman palang kinalaman sa bida. Great example for that is, nasa bahay si minor character at tumawag si bida over the phone. Edi may exposure na ang bida ulit. :)
3. The attitudes of your minor characters - either masayahin, joker, o kung ano pa ang lively atttitude na alam niyo. Sila kasi ang nagbibigay kulay sa storya natin. Well pwera nalang sa kontrabida dahil alam mo na kung ano ang ugali nila. Going back to the topic, kung mabait si bida syempre gawin mong balasubas si minor wag yung halos magkapareho na sila ng attitude dahil ang pangit po tingnan/basahin kung ganun. Dapat opposite sila sa bida, dahil sila ang nagbibigay kulay sa storya. Pero syempre matuto kang magbalance wag yung total opposite na talaga. Ibagay mo din sila. Para ka lang nagtitimpla ng kape niyan kung sobra ang pagkatimpla ay pangit na ang lasa. Ganun din sa storya pangit na ang storya mo kung sobra na.
Hanggang dito nalang muna. Sana may natutunan kayo. :)
© GlovitaMalditah
![](https://img.wattpad.com/cover/13307916-288-k399446.jpg)
BINABASA MO ANG
Tips and Advises of Ate Glovie on How to Make a Story
RandomRead this, baka may maitutulong ako sa pagsulat ng story niyo. :) PS. Completed na po 'to, kaya pwede na basahin ng walang hinihintay na matagal na updates XD