13. The Character's Feeling

1.2K 42 7
                                    

Tip #13 The Character’s Feeling.

Mehehe, ang bilis ko mag-UD ano? :P

Anyways, next tip at advice ay tungkol sa feelings ng iyong character. Ako, hindi ako marunong dito lalo na sa drama pero gusto ko lang sabihin sa inyo ang natutunan ko mula sa mga advise noon sa akin at mga iba’t ibang blogs na nababasa ko. Yes, kahit may tips ako dito nagbabasa pa rin ako ng ibang tips kasi not all my ideas and ways that I still do not know. Ang tips ko dito at pati advices ay galing talaga sa experience ko. Lahat ng iyon ay ideas ko kaya kung gusto ninyong iapply sa inyo, why not? No hurt feelings. Gusto ko ring makatulong.

The character’s feelings, ang pinakamahirap sa lahat. Yes, kasi para sa akin, dito mo nilalagay ang lahat ng hinanakit, tuwa, lungkot, problema ng isang karakter mo. May iba kasi na kapag masaya ang kanilang karakter ay sinasabi lang nila na masaya ito.

Which is wrong. Yes dear, mali ‘yon. Kasi kapag sinabi mong masaya siya dapat i-explain mo kung bakit. Kapag ang reader mo ay nagbasa ng ganito. “Masaya ako, masayang-masaya” ang sasabihin lang nila ay. “Okay, masaya siya.” Walang logic, I mean, walang konek kung bakit siya naging masaya.

Ang importante kasi dito, ang goal nating mga manunulat ay dapat naattached ang mga readers natin sa story natin. Yes, kung walang kabuhay-buhay ang isang storya mo, para ka naring nagsasabi na napilitan ka lang sa pagsusulat. Writing is a feeling. Writing a story is letting them feel what you felt. Damay-damay lang mga friends hahaha!

Pero seryoso, nagiging maganda ang isang takbo ng storya mo kung maganda ang pagkahatid mo sa feelings nila. Lalo na kapag kinikilig ang isang reader mo sa karakter mo, all the time yan nakangiti. Swear, kasi ganyan din ako. XD Nagagalit ako sa kontrabida kapag may ginawa siyang masama, natatakot ako kapag intense na ang story, napapaiyak din ako kapag drama na ang scene.

Ganyan ako magbasa, with all the feels. XD

Paano nga ba gawin iyon?

1.   Alamin mo kung ano magaganap para sa settings mo. Kung masaya ba ‘to or malungkot, may bugbugan ba o wala, may kilig moments ba or wala. Of course, para magkaroon ka ng isang plot para sa chapter mo. Pagplanuhan mo muna.

2.   Syempre, alamin mo kung sino ang papasok at lalabas sa eksena mo.  Ilista mo sila kung pwede para hindi mo sila makalimutan at kung ano ang gagawin nila doon. Para kang direktor sa ginagawa mo.

3.   Kung malungkot ang pov ng isang karakter mo, isipin mo rin ang lahat ng mga nakakalungkot na nangyayari sa buhay mo. O pwede rin, ibase mo sa storya ng iyong gawa. Ako kasi, yung mga quote na gawa ko ay base lang din sa storya ko. Kung malungkot ang story mo, dapat sabihin mo kung bakit hindi iyong sinabi mo lang.

Example: Nakita ko siyang nakahandusay sa malamig na sahig, para na rin akong sinaksak ng paulit-ulit dito sa likod nang makita siya. Hindi, hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng ganito nalang. Bakit Aliya? Bakit ka hindi lumaban? Nangako ka sa akin diba? Nangako tayong dalawa.

Diba? Kapag ganito ang uri ng iyong pagsusulat, mas maganda basahin.  E-explain mo kung bakit, kung ano ang ginawa niya at syempre isulat mo rin kung ano nakikita niya, hinahawakan niya. Lahat, as in lahat.

4.   Importante dito ay maihaitd mo kung ano ang pinapahiwatig ng mga karakter mo. Iyong gusto mong maiparamdam sa kanila.

Tip: Kung gusto mo magkaroon ng buhay ang iyong storya, lagyan mo rin ng feelings ang iyong pagsulat. Kung nalulungkot ang karakter mo, dapat ganun ka din. Kung nakakatawa ang iyong sinusulat, make sure you enjoyed it. Ganun lang ‘yon, dapat mahal mo ang ginagawa mo. Kapag hindi mo ito minahal, hindi ka rin mamahalin ng mga readers mo. Sa pagsusulat, hindi ito sapilitan, ito ay isang uri ng bagay na dapat mong mahalin at unawain.

Lovesss,

Ate Glovie ♥ 

Tips and Advises of Ate Glovie on How to Make a StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon