What is a plot?
Plot is a literary term defined as the events that make up a story, particularly as they relate to one another in a pattern, in a sequence, through cause and effect, how the reader views the story, or simply by coincidence. A plot "insures that you get your character from point A to point Z" according to author Jenna Blum.[1] One is generally interested in how well this pattern of events accomplishes some artistic or emotional effect. An intricate, complicated plot is called an imbroglio, but even the simplest statements of plot may include multiple inferences, as in traditional ballads.
Ehem! Again, maraming salamat wikipedia sa pagbigay ng kahulugan sa plot, damang dama ko sobra. May ideya na ba kayo kung ano nga ba ang plot? Wala pa? Okay explain ko ha?
Ang plot, ito yung nagsisilbing structure ng ating kwento. Kung ihahambing mo ito sa bahay, ito yung nagsisilbing framework ng ating bahay. Ano nga ba yung framework? Nakita niyo ba yung ginagawa pa yung bahay niyo, yung ano ahm haha paano ko ba ito e-explain? Yung wala pang walls, wala pang bubong ano lang ang meron porma pa lang ng bahay. Gets niyo na po? Sa plot po ng ating storya, ito yung ideya mo talaga sa kabuoan yung kung ano ba ang mangyayari sa mga character mo mula sa una hanggang sa pagtapos nito. Bago ka gumawa ng title at prologue mo, dapat may plot kana. Diba? Paano ka nga ba gagawa ng isang title kung wala ka pang naisip na plot? Sige nga makakgawa ka ba ng isang title kung wala kang plot na iniisip? Kaya kailangan po talaga magkaroon ka muna ng isang plot bago ka gumawa ng prologue at title mo. Kahit hindi pa patapos ang plot na naisip mo atleast may ideya kana kung ano ang magiging kalalabasan ng storya mo.
Paano nga ba gumawa ng isang plot Ate Glovie?
- Ehem! Ako kasi kung gagawa ako ng storya, kusa lang po yan lalabas sa makulit kong utak. Ibig sabihin wala akong kasiguraduhan sa lahat. Ako yung gawa lang ng gawa tapos hindi na malalaman kung ano ang isusunod. Puro po nasa utak lang lahat yung mga updates na ginagawa ko. Wag niyo akong gayahin ha? Hindi po pormal ang mga pag-iisip ko. HAHA! De seryoso na talaga, wala po talaga akong plot. Yun po ang totoo, hindi ako yung kagaya ng iba na nakahain na sa papel ang storya nila. Hindi ako ganun, nasa utak ko lang ang plot ko kapag gumagawa ako ng UD ko. Kasi bakit? What if gusto ko pala si ano mamatay? Edi sira ang plot ko na nakasulat na? Paiba-iba po kasi ako ng idea kaya never po ako gumagawa ng plot sa notebook o papel o kahit saan, nasa utak ko po lahat ang mga ideya ko.
Ito po ang tips ko para sa mga gagawa ng plot nila :
1. Think of an Idea - Ano nga ba ang gusto mong isulat na kwento? Anong genre? Ano nga ba ang gusto mong mangyari? Ang ginagawa ko po kasi kapag nag-iisip ako ng isang ideya sa kwento ko, minsan sa pagiging bored ko, minsan din yung pagka-depressed ko, minsan din kapag mag-isa lang ako, minsan din kapag masaya ako, minsan din kapag nainspire ako sa isang bagay at minsan din nainspire ako sa isang tao, at minsan din nainspire ako sa isang musika. Mas maganda kasi kapag may inspirasyon ka sa pagsusulat.
2. Be original - naku naman mga ate at kuya, wag po kayong gumaya sa ibang storya na gawa na. Huhu! Mapapa-away po tayo dyan. Masama pong manguha ng ibang ideya, pagnanakaw po din kasi ang tawag dyan. Ipikit mo ang mga mata mo, mag-isip ka. Kung wala ka pa ding maisip, dumilat ka. HAHA! Dejoke lang :D . Ito na talaga seryoso na tayo, kumain ka muna o di kaya manood ka ng kahit ano sa tv o drama o movie, basta kahit ano. O di kaya self experience mo, makakatulong po yan. Mas marami kang maisusulat kung ginawa mo na ang isang bagay. Pero syempre haluan mo ng twist wag po yung halos talambuhay mo na ang isusulat mo sa kwento mo. Basta po ang masasabi ko lang gumawa ka ng kwento na buong puso mo ang pagkagawa nun, trust me magiging maganda ang kalabasan.
3. Must be connected - dapat po talaga from chap 1 up to the end ay connected sila. Hindi yung pinuputol mo yung scene kapag natapos na ang chapter 1 mo, kung ang chapter 1 mo ay may hindi ka pa natapos o hindi ka pa naliliwanagan sa gawa mo, ipasok mo siya sa chapter 2 pero syempre dapat swabe lang hindi yung bigla mo nalang isisingit ang continuation mo. Na gets niyo po ba ang ibig ko sabihin? hehe.
Example:
Chapter 1
(Last part na po ito ha?)
Nakahiga lang ako ngayon sa maliit kong kama, ang dami kong iniisip. Bakit ba kasi ngayon pa? Hindi ba pwedeng itulog ko nalang ito at kusa nalang mawawala ang mga problema na iniisip ko ngayon? Bumuntong hininga ako, at napagdesisyonan na tumayo nalang at magpahangin.
"Si-no ka?" utal kong sabi, may nakita akong duguan ang mukha niya, mahaba ang buhok na nakaputi ang suot niya na may hawak na manika na luma at madungis.
"Gusto kong maglaro, pwede mo ba akong samahan?"
Chapter 2"Oh tol, tulala ka dyan? Ano bang nangyari sayo?"
Umiling lang ako sa kaibigan ko dahil hanggang ngayon binabangungot parin ako sa panaginip ko na iyon. Akala ko totoo na iyon eh, para talaga siyang mangangain ng buhay.
Yun! Nakuha niyo na ang ibig kong sabihin? Sa example ko dyan, hindi niyo na kailangan mag-flashback pa o kung ano pa ang gawin niyo para maibalik yung sa chapter 1 niyo. Pabalik balik lang kayo nun eh. Be creative po, gawa po kayo ng paraan kung paano mabighani ang readers niyo. :)
4. Writing a plot - una sa lahat, ang pinaka-ayaw ko ay yung EMOTICONS, OVER SA SPACING, AT HIGIT SA LAHAT MARUMI ANG PAGKAGAWA. Wag po ganun, marunong po kayong sumulat ng storya na sa pormal ang pagkagawa. Wala po tayo sa twitter/facebook o kung ano mang chattings ang meron kayo para maglagay kayo ng emoticons niyo! Please lang, nakakasakit ng ulo at mata ang ginagawa niyo kapag ganun. Hindi na po tayo mga bata upang paglaruan natin ang wattpad okay? Be formal para mas malinaw basahin para mas maintindihan ng lahat. At siya nga pala, bawal ang Jejemons! Namumutol po ako ng daliri kung meron, dejoke! Anti jejemon po ako, sorry naman kung meron man ang nasaktan dito.
Sana po ay natutunan kayo sa mga tips na binigay ko, uulitin ko po. Sa akin po ito galing at hindi sa iba. Ito po ang ginagawa ko.
Yun lang. Ok na ba tayong lahat? :) Naliwanagan naba kayo? Feel free to comment kung may objections ka! Ü
- GlovitaMalditah ♥
BINABASA MO ANG
Tips and Advises of Ate Glovie on How to Make a Story
RastgeleRead this, baka may maitutulong ako sa pagsulat ng story niyo. :) PS. Completed na po 'to, kaya pwede na basahin ng walang hinihintay na matagal na updates XD