Waaaaah! Teka, sorry kung ilang dekada ako makapag-UD dito. Huhuhu, busy kasi e. Huhu, sorry ulit.
Para sa next tip, tungkol po ito sa character's POV kasama na din dito ang feelings nila, lahat lahat na.
How To Use The Character's POV?
Paano nga ba? Kayo, nung gumagawa kayo ng POV para sa karakter ninyo, iniisip ninyo ba baka hindi pala ganito ang attitude niya, ang pananalita niya and the such? Una sa lahat, dapat ikonsider din ninyo ang attitude, pananalita niya, dislikes at likes niya. Okay, para hindi ninyo iyan makalimutan, isulat ninyo sa papel. Ako? Oo, aminado ako noon na sulat dito, sulat doon lang ako na walang inaalala na lahat, which is wrong, nagkadeletse-letse ang story ko nun, dahil sa pagiging pabaya ko. Anong nangyari? Iyong character na mabait ay bigla nalang nagmura. Something like that, you should consider their characteristics first.
Pagkatapos kong gumagawa ng pangalan, sinusulat ko din sa side ang attitude nila, hilig at hindi, lahat-lahat ng informations tungkol sa kanila, para maiwasan ang pagkalimut.
So ayun, kung magsusukat ka ng POV sa isa mga characters mo, you should consider this things:
1. The way they talk.
2. The way they hide their feelings.
3. The way they show their feelings.
4. The way they act.
5. Their mission in the said story.
Yes po, mahala iyang lima na yan, kasi alam mo kung bakit? Paano ka makakapagsimula ng POV niya kung hindi mo alam ang tungkol sa kanya? As what I have always said, you must know your character first, before anything else. Lalo na po sa number 5, yes their mission/layunin, ano nga ba ang dahilan kung bakit mo siya nilagay sa story mo? Hindi ka naman pwedeng maglagay lang characters mo para sa wala lang. Remember, lahat sila may layunin sa story mo o lahat sila may dahilan, kaya careful sa paglagay ng mga pangalan kung hanggang doon lang pala sa chapter 1 ang pagpapakilala mo sa kanya.
Mapa-minor characters pa iyan, dapat may layunin yan sila kung bakit mo sila binuhay.
May iba't ibang klase ang character ng isang tao. Okay, magbibigay ako ng dalawang example.
Bitch's POV
I was walking along this, dirty hallway. People were staring at me. Tss, I mentally rolled my eyes, and ignore those freaky stares.
Habang naglalakad ako, naramdaman nalang akong napaupo na ako dito sa sahig. Inis kong inangat ang ulo ko at nakita ko ang weirdong lalaking nakangisi lang sa akin. The eff! Sino itong weirdong lalaking nakabangga sa akin? May gana pa siyang ngumisi ha. Teka lang, humanda 'to sa akin. Tumayo na ako at sinampal siya sa kanan niyang pisngi, Huh, serves him right!
"How dare you to bump me. Weird guy!"
Arrogant's POV
Kaway lang ako ng kaway habang naglalakad ako sa hallway, malamang, isa na iyong blessings para sa kanila, nakawayan ka ng isang Emron Dee sa balat ng lupa. Lahat ng babae na dadaan dito sa hallway ay hihinto tapos ngingiti ng malapad at kakaway sa akin, sabay sabi ng 'Shet! Ang gwapo talaga ni Emron! Kyaaaah! Water please!"
See? That's how my charm works, at salamat sa mga magulang ko dahil sa paggawa ng magandang mukha. Malaki itong blessing sa akin, pero problema din ito dahil maraming marami naghahabol sa akin, 'pag sinabi kong marami, marami talaga. Hay, pogi problems nga naman.
Naglakad lang ako tapos habang patuloy pa rin sa pagkakaway sa mga babae dito sa gilid ng hallway. Daig ko pa ang presidente ng pilipinas ko nito a? Medyo nakakangawit na rin.
Sa kalagitnaan ng pagkakaway at paglalakad ko, may naramdaman akong malambot na bumangga sa dibdib ko at napalingon ako sa harapan ko. Oh, maganda siya a? Dear God, nasa langit na ba ako? Aba wag po muna, maraming iiyak.
Tumaas naman ang kilay ko dahil galit siyang nakatingin sa akin at bigla niya akong sinam--
"How dare you to bump me. Weird guy!"
Napahawak ako sa makinis na gwapong pisngi ko dahil sinampal ng magandang nilalang na ito, ay hindi na siya maganda, binabawi ko na, ako lang pala ang may magandang mukha dito sa balat ng lupa. At ano ang tinawag niya sa akin? Weird Guy? Teka lang, nga.
"Hindi mo ba kilala kung sino ang sinampal mo ngayon?" nangingilaiti kong sigaw sa kanya.
See their difference. I hope my examples from above, explains these all. :) kung hindi ninyo ma-gets ang tips ko, reread it again and remember the five things you should consider.
**************
Any suggestions? or kung may nakalimutan akong ilagay. Feel free to comment. Thank you :)
GlovitaMalditah ♥
BINABASA MO ANG
Tips and Advises of Ate Glovie on How to Make a Story
عشوائيRead this, baka may maitutulong ako sa pagsulat ng story niyo. :) PS. Completed na po 'to, kaya pwede na basahin ng walang hinihintay na matagal na updates XD