15. Your twists or surprises

1.2K 40 5
                                    

Tip # 15 : Your twists or surprises

Aminin man natin o hindi, lahat ng gawa natin ay Cliché na, o gamit na sa iba. Yup, huwag mong sabihing unique ang gawa mo dahil ganito ganyan, kasi Neng, may nakauna na diyan. Sa dinami-dami ba namang kwento/palabas dito sa mundo, hindi mo talaga maipagkakait na ang ginawa mong scene ay nagamit na rin sa iba.

Kaya, ang topic na ito ay para sa mga Cliché stories na kagaya ko. You have to put a little bit of excitement para naman hindi mahalata ng mga readers mo na cliché na siya.

Like for example, iyong karakter mo. Kapag ang babae ay cold, huwag mo ring gawing cold ang lalaki o yung ‘Hero’ niya kasi ang kalabasan niyan, hindi maganda, boring at nakakaantok basahin.

So yeah, in every story kailangan ng twists or surprise, kasi mas maganda kung ang hula ng mga readers mo ay hindi nila nahuhulaan ang ending nito. Katulad ko, mahilig akong manghula kung ano ang ending hehe. Kapag naging interested ako sa isang story, marami na akong katanungan sa isip ko lalo na sa ending hinuhulaan ko kung ano ang ending XD

Tips para sa paggawa ng twists nila:

1.   Isipin mo kung konektado bas a story mo ang gagawin mong twist. Yup, mahirap na kung hindi diba? Para kang timang kung naglalagay ka ng twist na hindi naman konektado.

Example: Si leading lady at ang leading man mo ay magpinsan pala. (Yan ang twist mo) E-explain mo kung paano nangyari iyon, tapos may sumingit, sinabi na hindi sila totoong magpinsan dahil ampon lamang si leading man sa kinikilala niyang pamilya. (Twist yan ulit)

2.   Gawin mong hindi nila inaasahan ang magiging scene mo. Kung paano mo gagawin iyon? Nasa iyo na ang desisyon, gaya ng paulit-ulit kong sinasabi kailangan mong maging creative. Cliché man ang iyong storya at least creative ka sa idea mo. Oh diba? Maganda pa rin siya.

3.   Kailangan kapaniwala-wala ang paglagay ng twist mo. Yes naman, baka bigla kang naglagay dyan ng superpowers sa bida mo, tapos ang genre ng story mo ay romance at teen fiction. XD LOL natawa ako hahah!

4.   Dapat intense, dapat may thrill.

5.   Kailangan kapag may twist, bigysn mo ng dahilan kung bakit iyon nangyari. Pwede flashbacks or something. It’s up to you.

Advise ko  para sa paggawa ng twists nila:

Huwag mong damihan ng twists sa story mo, nakakabanas din ang ganyan. Two or three are maximum, for me. Mas maganda pa rin ang simple ang pagkagawa.

Lovess,

Ate Glovie ♥ 

Tips and Advises of Ate Glovie on How to Make a StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon