16. How to make an Ending to your story

1.1K 35 6
                                    

Tip # 16 How to make an Ending

Sa ending ng storya mo, ito yung nagsisilbing, “Lock” ng iyong pintuan. Kumbaga, sinasara mo na ang lahat ng mayroon diyan.

Dito mo makikita kung ano ang magiging kalabasan ng lahat, ano ang purpose ng story’ng ito. Ano ang lesson na makukuha nila sa story mo.

Ending po kasi natin ay dapat siya yung sumasagot sa lahat ng mga katanungan ninyo from Chapter 1. Parang ito ang nagiging refreshing sa lahat.

Ako, nakatapos na ako ng dalawang story at ang masasabi ko lang ay nahati sila sa dalawa.

Dalawang uri ng endings ko. The end at proceed to book 2 ending.

Sa “The End” ko, nilagyan ko ng lahat ng sagot sa katanungan doon sa previous chapter ko, importante yun. Hindi basta-basta ka nalang gumawa ng ending na nagkatuluyan sila ng bida mo. Dapat binigyan mo rin ng justice ang mga minors at antagonists mo. Example po diyan ay paglagay kung ano ang nangyari sa kanila matapos malaman ng bida na isa pala siyang anak ng presidente. Make sure, wala kang nakakalimutan na kahit ano kasi diba? Ending mo na yan kaya dapat bongga na. Last na yan e.

Tragic ending or not, either way be unique in every ending you have. Kailangan may satisfaction na feeling ang mga readers mo pagkatapos mabasa ang ending mo. Wag mo silang bitinin dahil paniguradong hihingi yan ng part 2 XD

Sa “Proceed to book 2” ending ko, ay malaking kabaliktaran sa “The End” ko. Kasi dito, marami pang katanungan na hindi pa nasagot. Tulad ng, anong nangyari kay ano, ganito, ganyan, oh my G bakit bitin? Book 2 please. At syempre, sinadya mo ‘yon, dahil gagawa ka ng book 2 kaya marami ka pang pasabog sa book 2. May kaunting revelations ka sa book 1 mo, pero make sure sa book 2 dadamihan mo, pero wag naman madami baka sumabog LOL :v

Sa ganitong strategy, bigyan mo rin ito ng matinong closure kahit alam mong may kadugtong pa. At make sure na ka-abang-abang ang ending mo dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy pa ba nila ang iyong book 2.

Okay na ba? :)) 

Tips and Advises of Ate Glovie on How to Make a StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon