14. When writer's block attacked

1.1K 42 6
                                    

Tip # 14 : When Writer’s Block attacked.

Alam kong, dito tayong lahat bagsak. Writer’s Block for short WB. Ang writer’s block ay ito yung wala kang maiisulat para sa iyong update. Gusto mong magsulat ngunit, wala kang ideya kung paano mo sisimulan ang update mo.

Bakit nga ba tayo nakakaranas ng mga ganito?

1.    Kasi, tinatamad tayo. (Which is madalas nangyayari sa mga writers.) Tinatamad silang magsulat kasi may mas gusto pa silang gawin bukod sa pagsusulat nila. O di kaya ay tinatamad siyang magsulat dahil hindi pa niya feel ang magsulat. Nakakatamad. Tinatamad siya dahil kaka-update lang niya kahapon. Maraming rason talaga e no? XD

2.   Kasi maraming, istorbo. (Yup, tulad ko kapag nalaman ko na may ud ngyon ang inaabangan kong storya, hinihinto ko ang pagsusulat ng UD ko at binabasa ko ang UD nila. Hehe, madali akong ma-destruct kaya ganun. (O di kaya’y may nabasa kang bagong update sa manga, o di kaya bagong update sa paborito mong anime. O dikaya’y nagtext si crush, nagkachat kayo ni Crush. In the end, wala kang maiiupdate dahil maraming istorbo. LOL

3.   Kasi, maraming utos ang nanay mo sa’yo. XD Nawawala ang concentration mo sa iyong storya kasi maraming utos si nanay, bili ka nito, bili ka ng ganun. Yung utak mo naman, nahahati na sa dalawa, sa utos ni nanay at sa ud mo. Nagwagi si nanay, in the end wala kang na-update dahil istorbo siya XD

4.   Kasi, wala ka pang naisip na kadugtong sa storya mo. Hindi mo alam kung paano mo sisimulan ito at tatapusin.

5.   Kasi, hindi ka inspired sa ngayon. Walang nag-comment sa last chapter mo, nalungkot ka kaya ganun.

6.   Kasi, nawalan ka ng gana.

Maraming dahilan kung bakit ka nagiging writer’s block, aminin mo man o hindi tama ako sa mga binanggit ko. Malamang, naranasan ko na rin ito e.

Tip ko para sa nagkakaroon ng Writer’s Block:

1.   Huwag mong pilitin. Yes, huwag po kasi kung pipilitin mo, baka hindi maganda ang kalabasan. Better to leave it there, and rest your mind.

2.   Kumain ka. Yes ulit, para gumana ang utak mo. Yung pag-aaral nga, kumakain sila kapag nag-aaral kasi mas na-aabsorb nila ang kanilang binabasa kapag hindi ka gutom.

3.   Manood o magbasa. Yup, para magkaroon ka ng ideya. I’m not saying, you should read for you to get an idea. But, you must enjoy it. Ako, hindi ko iniintindi na kailangan ko rin palang kumuha ng ideya sa ibang libro para sa gawa ko. Kasi ang bawat binabasa o pinapanood ko ay ini-enjoy ko.

4.   Sleep well. Ipahinga mo rin ang utak mo. Kawawa naman siya, siya kaya ang nag-iisip. Karapatan din niyang magpahinga.

5.   Humingi ng opinion sa ibang tao. Mas maganda kung may nag-susuggest tungkol sa gawa mo, dahil hindi lahat ng ideya ay alam mo. Mas maganda kung may kaunting suggestions ang mga friends mo. Trust me, mas effective talaga ang ganun.

6.   Enjoy yourself. Kalimutan mo muna ang pagsusulat. Kailangan mo ring maglibang aba.

Note: Kapag may writer’s block ka huwag mong pilitin magsulat. Marami ka pang araw o panahon para gawin iyon. Take a seat and have a coffee. Relax lang.

Yay. That’s all.

Ate Glovie ;)

Tips and Advises of Ate Glovie on How to Make a StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon