Hello :) matagal na pala akong hindi nakapagpost dito. Ajujuju sorry phowzsZSz
Anyways, our topic for today is about using the narrative style or commonly known as "Third Person's POV".
Third POV, una sa lahat ito yung weakness ko. Kasi alam ninyo kung bakit? Feeling ko kasi, and mysterious ng dating, minsan nga hihikain ako lalo na yung scene na medyo nakakaba. Matanong nga kita, alam mo ba kung paano gumamit ng 3rd pov? O nasubukan mo na ba itong gamitin?
Marami na talagang nag-suggest sa akin noon, na dapat daw akong gumamit ng 3rd pov dahil nakakalito daw yung shifting of povs. Tapos ako na masyadong defensive, edi sinabi ko na hindi naman ata dahil connected pa naman sila sa isa't isa ang pov nila, at para malaman kung ano ang saloobin ng mga bawat characters ko.
Tapos dumating nalang yung araw na, sinubukan kong gumamit ng 3rd pov. Maraming nagsabi na mas malinis na daw ang pagkasulat at very smooth kung ito ang basahin.
Why I am sharing this to you guys? Syempre ang gusto ko lang ipahiwatig sa inyo na I prefer you to use the third pov para sa mas formal at para hindi malilito ang mga readers natin.
How to use that? Okay here's the tip *wink*
Ang 3rd pov po ay para ka lang nanonood ng tv. Ikaw yung tagapag-sabi kung ano ang ginagawa ng mga characters mo. Okay para sa mas malinaw na definition, familiar naman ata kayo sa boxing ni Pacman diba? Nakikita ninyo ba yung dalawa na laging nagsasalita tungkol sa pakikipagpalitan ng suntukan ni Pacman at sa kalaban? Yung, Manny uses his left arm and make an uppercut. bla bla bla..
Ganyan po ang third pov, bale nakatingin ka lang sa kanilang ginagawa ng mga characters mo.
Dapat gamitin mo ang mga word na niya, sa kanila, sa kanya, iyo, nila, siya, nito. Opo, mahala po iyan kasi nga 3rd pov nga diba?
Tips:
1. Kapag gumagamit ka ng 3rd pov, siguraduhin mong ilang ang tao na mayroon sa scene, nasaan si Bida. In short, tell your settings.
Example: Saktong alas singko ng hapon ng marating ni Fritz ang bahay nila, weird, dahil nagtataka siya kung bakit maraming tao sa kanilang bahay ngayon. May birthday ba? Kanino? Hindi niya pinansin ang mga taong patuloy parin sa pagsisiyahan sa mga kanilang ginawa, dumeretso nalang siya ng kwarto niya upang magpahinga.
2. Magtanong regarding sa ginagawa ng iyong character - Yes, dahil ka pwedeng maging character's pov mo kaya dapat gumawa ka ng mga katanungan. Ito yung madalas ginagamit ng mga authors ngayon, dahil sa pamamagitan nito, mas nalalagyan ng heavy feelings ang bawat pagbasa mo. Pero kung gagamit ka ng patanong na narrate, make sure na gagamitin mo ang Siya/Niya dahil una sa lahat para sa kanila naman talaga ang tanong na iyan.
Example: "Let's break up.."
Iyan ang pumatak ngayon at laging bumabalik-balik sa utak ni Fritz. Matapos niyang ihiga ang sarili niya sa kama ay bigla nalang tumulo ang mga luha na kanina pa niyang pinipigilan. Bakit ba ang dali lang sa mga lalaki putulin ang relasyon? Bakit kailangan putulin ang relasyon sa hindi malaman na dahilan? Nagkulang ba siya kay Jon? Kung mayroon? Saan?
"Damn you jerk!" galit niyang sabi sa kawalan, patuloy pa rin sa pag-agos sa kanyang mukha ang kanyang mga luha.
3. Paano kung marami ang character sa iisang scene gamit ang 3rd pov? - Kailangan mo po silang ilagay kung saan sila dapat. At syempre, kung marami na ang mga characters mo, kailangan alam mo ang mga ugali nila. Tayong mga authors, dapat marunong sa shifting of characters, I mean, kailangan kung magsasalita na ang character mo, alam mo ang ugali, mga lagi nilang ginagawa at pati mga nakasanayan nila, pareho nalang kung ang character mo ay palamura. Ingat po sa shifting ng character's line mo baka magkapareha na pala sila ng ugali niyan. Note: Indicate the names para malaman ng readers kung sino ang gumalawa at nagsalita.
Example: Napatigil naman ang pag-eemote ni Fritz ng marinig niya ang pagbukas ng kanyang pintuan. Pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi at napagdesisyonan na umupo sa kanyang kama. Napataas naman ang kanyang isang kilay dahil sa hindi niyang inasahan na bisita.
"What are you doing here?" tuwid na tanong ni Fritz habang nakatingin sa mga mata ni Helen.
"Best, you're crying.." mahinang saad ni Helen habang papalapit siya sa gawi ni Fritz. Mahina siyang umupo sa kama nito at sinubukang hawakan niya si Fritz ang kamay nito pero iwinakli lamang ng dalaga iyon. "B-bakit?" naguguluhang tanong ni Helen matapos waklian ang kamay niya. Anong nangyari kay Fritz? Sa pagkaka-alam niya ay maayos ang pakikitungo sa kanya noong isang araw.
Magsasalita pa sana si Fritz ng biglang bumukas muli ang pintuan niya. Nakangiti ito sa kanilang dalawa ngayon habang patalon-talon siyang lumapit sa dalawa. Naka-big bun style ang kanyang buhok at nakasuot ng violet najumper. "Hello mga besties.." masayang bati ng babae.
"Ikaw Kat, anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ni Fritz nang dahilan upang napanguso si Kat ngayon.
4. Saan dapat ginagamit ang 3rd pov? - Mostly kasi, ang 3rd pov ay ginagamit kapag nasa action scene. Pangit naman po kasi na ang mismo ang character mo pa ang nagnanarrate ng action scene na ginagawa niya. Sige nga, sa totoong buhay ba may ganyan ba? Wala naman diba? So kailangan talaga na 3rd pov ang gamit mo.
Nakatulong ba ako? I hope so. :) salamat sa pagsayang ng oras XD
GlovitaMalditah ♥
BINABASA MO ANG
Tips and Advises of Ate Glovie on How to Make a Story
РазноеRead this, baka may maitutulong ako sa pagsulat ng story niyo. :) PS. Completed na po 'to, kaya pwede na basahin ng walang hinihintay na matagal na updates XD