What is a Prologue?
A prologue (Greek πρόλογος prologos, from the word pro (before) and lógos, word) is an opening to a story that establishes the setting and gives background details, often some earlier story that ties into the main one, and other miscellaneous information. The Greek prologos included the modern meaning of prologue, but was of wider significance, more like the meaning of preface. The importance, therefore, of the prologue in Greek drama was very great; it sometimes almost took the place of a romance, to which, or to an episode in which, the play itself succeeded.
It is believed that the prologue in this form was practically the invention of Euripides, and with him, as has been said, it takes the place of an explanatory first act. This may help to modify the objection which criticism has often brought against the Greek prologue, as an impertinence, a useless growth prefixed to the play, and standing as a barrier between us and our enjoyment of it. The point precisely is that, to an Athenian audience, it was useful and pertinent, as supplying just what they needed to make the succeeding scenes intelligible. But it is difficult to accept the view that Euripides invented the plan of producing a god out of a machine to justify the action of deity upon man, because it is plain that he himself disliked this interference of the supernatural and did not believe in it. He seems, in such a typical prologue as that to the Hippolytus, to be accepting a conventional formula, and employing it, almost perversely, as a medium for his ironic rationalismo.
Ehem! Salamat wikipedia sa pagsingit mo. Well, alam niyo na kung ano ang prologue? Ang tanong naintidihan niyo ba? Sa madaling salita, ang PROLOGUE po ay dito nakasalalay ang lahat. Ito po kasi ang nagsisilbing summary sa story mo. Ito po ang nagsisilbing background kung ano nga ba tungkol ang story mo. Ang prologue po ay iyong panimula.
Ako po kasi, hindi ako yung tao na after kong mabasa ang title ay ibabasa ko na lahat-lahat binabasa ko muna kasi ang prologue. Doon ko kasi binabase kung maganda ba ang simula niya. Opo, importante po ang prologue niyo. Bakit? Kasi po dito ka humuhugot ng ideya sa storya mo kung konektado pa ba silang lahat.
May iba't ibang klase po kasi sa paggawa ng prologue eto po yung mga examples ko:
1. TEASER - ito yung nagbibigay lang ng scene na kung tungkol saan ang story mo. Kung sa tv pa ito, ito yung trailer nila. Summary po din iyan, kahit maikli lang yung teaser mo, may ideya na ang mga readers kung ano nga ba ang pinuputok ng buchi mo este kung tungkol saan ang storya mo. Pero kung gagawa ka ng teaser dapat po ay yung direct po talaga kung saan magiging interesante ang readers niyo. Scene at dialogues po ang kailangan ng teaser niyo. At syempre ilalagay mo dapat iyan sa chapter kung saan mo siya ilalagay. Teaser nga eh, kaya dapat kasama po yan sa chapter mo. Parang kumuha ka lang ng scene na kung saan magiging curious ang mga readers.
Example:
"I love you." mahinang sabi ko sa kanya habang nakatingin lang sa mga magaganda niyang mata.
Iniwas niya ang tingin sa akin, bakit? Hindi na ba niya ako mahal? May nagawa ba ako ng hindi niya nagustuhan? "I'm sorry Kiara, but we have to end this."
Nanigas ako sa sinabi niya, ano daw? E-end? As in yung ta-tapu-sin na namin ang lahat? Kusang tumulo ang mga luha ko, ang sakit lang eh. Ang sakit sakit. "Please Jeager, don't do this to me, I can't live without you. Alam mo yan, I love you so much. Ano bang nagawa ko? Please? Just give me a chance to fix this mess, I promise ikaw lang ang susundin ko." maluluha kong saad habang nakayakap sa kanya. I can feel that he is against with our breakup, pero ano nga ba ang dahilan?
Nilayo niya ang sarili niya at tiningnan lang ako ng blanko. "I said no, Kiara! Let's end this. Are you deaf? Bakit hindi mo marinig ang sinasabi ko sayo? Ayoko na Kiara, I don't love you anymore!"
Pinunasan ko ang aking mga luha, at tiningnan ko siya ng mataman. "Fine, You'll regret this Jeager, I assure you." at lumakad na ako papalayo sa kanya. Pero bago pa iyon, nakita kong may lumapit sa kanya na babae at naghalikan sila sa gitna ng daan.
Ang sakit lang, ang sakit sakit.
Yan po ang example ng teaser. Sana po may nakuha na kayong ideya kung ano ang teaser.
2. Narration - ito po yung pov lang ng isang tao, walang dialogues. Puro mga nasa isipan lang niya. Ito yung kadalasan ginagamit ng mga manunulat.
Example: Naranasan niyo na bang magmahal? Yung tipong binigay mo na sa kanya ang lahat? Pagkatapos mong gawin iyon, minahal ka ba niya gaya ng ginagawa mo? Kasi ako, hindi eh. Ako lang yung gumagawa sa kanya nun. Siya? Wala lang, hindi nga niya ako kinikilala na nobya niya ako. Bakit ganun? Bakit ang unfair ng buhay? Bakit yung mga gusto mo, hindi mo makukuha agad? Hay, ang hirap.
Pero sana, hiling ko lang sa diyos na dinggin niya ang matagal ko ng dinadasal. Ang mahalin din niya ako ng walang pag-alinlangan.
Yan po ang narration, sana po may nakuha kayong ideya sa mga example ko na nilagay dyan. :))
Ito po ang tips ko sa paggawa ng prologue :
1. The Story - tungkol saan ba ang iyong kwento? Mahirap naman po kung gagawa ka ng prologue na wala namang koneksyon sa magiging storya mo diba? Importante po dito ang konektado ang lahat ng pangyayari sa storya mo.
2. Writing your prologue - Paano mo nga ba sisimulan ang prologue mo? Hindi mo alam? Try mong magbasa ng ibang storya at kumuha ka ng ideya kung papaano nila ginawa ang prologue nila. Pero wag mong kopyahin mismo ang ginawa niya ha? Gawin mo lang itong basehan, guide kung baga. Ganito ako gumawa ng prologue yung tipong wala akong maisusulat kaya ang ginawa ko nagbasa at nagbasa ako ng mga stories dito sa wattpad. Trust me, nakakatulong po ng malaki ang pagbasa. :)
3. Climax - Syempre kailangan mo ding tapusin ang prologue mo, kung may panimula ka dapat may ending. Paano nga ba gagawin iyon? Siguraduhin mo muna tapos kana sa iyong "main purpose" ng iyong prologue, dapat gawin mo din siyang parang cliffhanger yung tipong magaganahan ang readers mo na basahin ang storya mo kahit prologue pa lang. Lagyan mo ng feelings kung maari, magagawa mo yan. Lahat naman tayo may talent diba? :)
So far, ito po muna. Sana po may natutunan kayo sa mga tips ko at advices ko narin. Tandaan, sa akin lang po ito na opinyon ha? Ito po talaga ang ginagawa ko sa tuwing gumagawa ako ng story. Hindi po ako nagmamagaling, sino ba ang pakikitaan ko nun? Wala naman diba? Gusto ko lang i-share ang mga natutunan ko sa pagsulat kahit kakasimula ko pa lang. Ok na? Salamat! :)
Lovelots,
GlovitaMalditah ♥
BINABASA MO ANG
Tips and Advises of Ate Glovie on How to Make a Story
DiversosRead this, baka may maitutulong ako sa pagsulat ng story niyo. :) PS. Completed na po 'to, kaya pwede na basahin ng walang hinihintay na matagal na updates XD