KIERO
Maaga akong nagising dahil maaga rin ang alis namin. Tama ngayon ang alis namin papuntang baguio para sa 3-Day seminar.
Agad na akong naligo at nag-ayos ng sarili. Gising na rin sila mama at papa na wala na yatang ginawa mula pa kagabi kundi ang paalalahanan ako ng mga dapat at hindi ko daw dapat gawin dahil bago pa lang daw ako sa lugar.
Wag daw lalayo sa mga kasama ko.
Wag kakain ng kung anu-ano.
Wag pumunta sa kung saan-saan.
Wag mag papicture sa mga malalaking puno dahil baka maengkanto daw ako.
Ingatan ang mga gamit at wallet ko.
Wag lumandi masyado.
At madami pang iba..
Jusko! Pano ko maeenjoy ang baguio kung susundin ko lahat ng bilin nila?
Minsan kasi nasa bawal ang masarap! Ugh!
Kagabi pa nila sinasabi sakin yan at ngayon ngang umaga ay sinisimulan na naman nila.
"Ma, pa! Hindi na po ako bata alam ko na po yon!" Irita kong sabi sa kanila.
Ngumisi lamang ang mga ito at pinagpatuloy na ang kanya-kanya nilang gawain.
Si papa ay nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Bakit ba ganito lagi ang mga tatay sa umaga? Haha
Si mama naman ay patuloy pa rin sa pagchechek ng mga gamit at paalala sakin. As usual mother's thing.
Maya-maya pa ay may narinig na kaming busina sa labas kaya agad na akong lumabas at sumunod naman sila.
Tama si Sam ang maghahatid sakin.
Ayaw pa nga sana ni papa pero mapilit talaga itong lalaking ito.
Paglabas ko ng gate ay andun na nga siya at nakasandig sa kotse nito.
Ng makita ako ay agad itong lumapit at hinalikan ako sa noo (Haha apo lang?) at pagkatapos ay kinuha ang bitbit na maleta ni papa para ipasok sa compartment ng kotse nito.
"Hindi ka na ba babalik dito at ang dami yata ng dala mong gamit?" Sabi nito sa akin na may nakakalokong ngiti. Inaasar pa ko.
"Ewan ko jan kay mama. Andaming jacket na pinadala sakin dahil malamig daw doon." Sagot ko naman.
"Hayaan mo na anak. Maarte ka pa naman kaya dinamihan ko na yan. Ingat ka doon okay? Tumawag ka." Ang nakangiti nitong sagot pero kita pa rin ang lungkot at pag-aalala.
"Mama naman 3 araw lang ako doon di ako mag aabroad! Yan kakapanood niyo ng drama ayan na epekto. Haha" biro kong sabi dito dahil naapektuhan na din ako ng lungkot na ipinapakita nito.
"Sya sya at baka ma late ka. Oy Sam ingat sa pagdadrive at sakay mo ang prinsesa namin okay?" Agaw eksena naman ni papa.
"Yes tito alam ko po yun. Gentle lang po ako." Sagot naman ni Sam na nakangiti ng pilyo. Hmmn alam ko nasa Isip nitong lalaking to.
Legal naman kasi kami ni Sam both sides. Well sakin walang problema kasi they know na talagang lalaki ang ipapakilala ko sa kanilang kasintahan ko. Ano pa nga ba diba?
Sa side naman ni Sam. Ewan siguro open minded lang talaga ang family niya at mabilis din kaming natanggap.
Swerte ko na siguro no? Di rin dahil si mama alam ko namang si cris pa rin ang gusto para sakin. Minsan niya nang sinabi sakin yun. Pano matalik na silang magkaibigan ngayon ni tita karen. Ewan ko kung pano. Baka suki niya na si tita karen sa binibenta nitong peanut butter na sariling gawa nito.
BINABASA MO ANG
YOU AND ME TOGETHER
Подростковая литератураThis is an M2M love story. If you are against Or Uncomfortable with it better kick yourself off. - Any resemblance to other stories , names of persons , situations or experiences are not copied nor intended to imitate but are purely coincidental. ...