Special mention kay TROY_09, Bert Lopez Andrade 😊✌, at kay Akosiichan. At sa lahat po ng nag message po sakin for updates. Tenk u po. Sensya na busy na po kasi e. Eto na po, BASA!!!
KIERO
Kinakabahan akong tumingin sa mga magulang ko na ngayon ay nakatitig lang din sakin. Grabe feeling ko sumali ako sa ‘who wants to be a millioner’ at para akong nasa hot seat. Anuba mama, papa!
Magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sa cellphone ko. Dahan-dahan ko naman itong kinuha sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Naku si cris pa.
Sumenyas naman si mama na patingin daw. Bat ba hindi sila nagsasalita?
Binigay ko naman at siya na ang sumagot nito at ni-loudspeaker.“hello babe? Tulog kana ba?” ang agad na bungad ni cris. Naku dumagdag pa itong lalaking to. Napatingin uli ako sa mga magulang ko. Nagugluhan ako kung sasagutin ko ba o papatayin na.
“Magsalita ka naman oh, na miss ko yung boses mo lalo na kapag umuo...” dagdag pa nito na agad kung pinutol dahil baka kung ano pa ang masabi ng kumag na ito malitinkan pa ako dito.
“ah hi-hindi pa naman.” Pagputol ko. Bwisit na lalaking to napakalibog talaga.
Napaka awkward po dito sa kalagayan kong ito mga ginigiliw kong mga kaibigan at mga mambabasa. Ikaw kaya ang makipag tawagan at makipag landian sa harap ng mga magulang mo. Hirap diba? Nakaka-asiwa pati!
“hello si tito mo ito cris, pumunta ka dito sa bahay asap.” Si papa na hindi na yata nakatiis. Hala ka bat pa niya pinapunta yun dito? Naku naman!
“ papa naman, bat mo pa pinapunta yun dito?” takang tanong ko dito.
“Kiero, naging maluwag kami sayo dahil gusto naming maenjoy mo ang kabataan mo. Dahil napakasarap maging bata. Pero mukhang sumusubra na yata ito. Napapadalas na ang inom mo. Oo alam ko iyon, wag mo ng itanggi. Ngayon ginagabi ka pa ng uwi. Ano na lang ba kami ngayon sa iyo? Wala lang? Para isipin mong hindi kami nag-aalala sayo? Atsaka di ba si Sam ang boypren mo? Ano yang pa babe-babe na yan ni khristian? Aba anak ambilis mo naman yatang magpalit ng mamahalin? Sobra na ito kiero! Eh kung nagkataon pala na babae ka e, baka ngayon buntis ka na!!” mahabang sermon ni papa na gusto ko nalang sanang ilabas sa kabilang tenga, pero hindi eh, tumatagos talaga sa puso ko at masakit.
Masakit na nasasabihan ka ng mga ganitong salita ng mga magulang mo. Pero mas masakit yung makita mo yung dissapointment sa mga mata nila. Kaya di ko rin maiwasang mapayuko at maluha.
Totoo naman e, ramdam ko naman na parang naabuso ko na yung binibigay nilang kalayaan sakin. Kasalanan ko naman talaga.
“papa naman buntis agad? Eh si cris naman pala ang kasama. Teka nga anak, si cris na ba ang bago mong boypren ngayon?” angal naman ni mama sabay bato ng makahulugang ngiti sakin.
“ ahm hindi pa ma pero.. basta.. parang po.” Ang walang kabuluhan kong sagot dahil di ko rin alam kung saan na ba kaming label ni cris.
“talaga? Aba edi mabuti naman. Alam mo namang sa kanya ako mas boto anak. Naku matutuwa nito si kumare.” Si mama na napapapalakpak pa habang sinasabi niya yon. Iba talaga tama nitong nanay ko.
Binigyan naman siya ni papa ng matulis na tingin.
“ay sorry naman. Galit nga pala ako dapat dito.” Pahabol pa ni mama. Di ko naman maiwasang hindi mapangiti dahil dun. Si mama talaga.
“parang kayo pero hindi? Ganun ba yon anak? Ano ba sayo ang pakikipagrelasyon ha? Alam mo...” si papa ule na talagang malaki yata ang galit sa akin. Ayaw ako tigilan eh. Napayuko na lang ako. Buti na nga at may nag doorbell kaya napahinto siya.
BINABASA MO ANG
YOU AND ME TOGETHER
Ficção AdolescenteThis is an M2M love story. If you are against Or Uncomfortable with it better kick yourself off. - Any resemblance to other stories , names of persons , situations or experiences are not copied nor intended to imitate but are purely coincidental. ...