KIERO
It's been a year since that incident between the three of us.
Joke. Haha. Last month lang yun. Yes last month.
Mula non di ko pa nakikita si sam. Lumalayo nga siya sakin. Si cris naman tumupad din sa usapan namin na wag muna magpakita sakin.
Pinapalayo ko siya. Bakit? Baka kasi di ako makapagpigil!
Oo mahal ko siya at mahal niya ako pero hindi naman pwedeng kakahiwalay lang namin ni sam may ipapalit na ako agad.
Siguro di pa talaga ito ang tamang oras para samin.
- - - -
"Ano na? Nomo tayis?" Si josa. Baklang to patay gutom talaga sa alak.
Andito kami ngayon sa tambayan namin sa labas ng school. Gustong-gusto nila dito dahil okay lang mag-ingay ng malakas at nakakapag yosi pa ang mga boys. Dito kami nagkikita kapag uwian na.
"Uhaw na uhaw ka noh?" Parang nung last sabado lang kasi nag-inom kami ngayon gusto na naman tsk tsk . Gusto na yatang gawing habit every weekend tong paglalango e.
Mula nung nakilala ko siya sa bus mas lalo pa kaming naging close sa isat-isa. Masaya naman dahil mayroon na din akong matatawag na circle of friends. Actually sabit lang ako haha.
Mga kaibigan sila ni josa but since gbf niya ko friends ko na din sila. Saya diba? Mabuti na rin yun para ma divert muna ang utak ko sa ibang bagay at di nalang puro lablyf. God! 19 lang ako pero landi landi ko na haha baka maaga akong maagnas nito.
Ano tara! Bet ko rin maglasing ngayon e" si apple. Ang swag sa grupo haha. Mabait ito at sa sobrang bait ay tatawa tawa nalang kapag kausap mo kahit wala nang kwenta ang sinasabi mo? Haha. Pero wag ka sumasali ng pageant to! Epek ang pes bes!
May ganun ka bang kaibigan? Haha"Ano? Ambag-ambag na dali!" Ang hayok na hayok namang sabi ni Kevin. Jusko isa pa to e basta alak talaga. Si kevin ang napaka sa grupo. Babaero, lasenggero, basagulero. Lahat ng negative na words na nagtatapos sa r,o pwede mong i describe sa kanya. Ewan ko ba bakit naging kaibigan nila to. Panalo din kasi ang isang to pagdating sa itsura. Badboy ang datingan niya. Pero wag ka mabait yan kapag sa grupo. Feeling mo secured ka at walang gagalaw sayo takot lang nila sa damuhong to. May ganito ka bang kaibigan?
"oy oy basta pass ako jan a. Magrereview pa ako may exam kami bukas e." Si manwel. Oo tama si manwell na naging roommate ko sa baguio. Hindi ko nga akalaing kaibigan pala nila to. Siya naman ang nerd sa grupo yung tipong aral talaga kung aral.
"Kelan ka ba sumama? Haays pogi sana kaso masyadong mabait. Alam mo manwel di na uso yan ngayon. 'Yung maginoo pero medyo bastos', kapanahunan pa ni mystica yan e. Ang uso ngayon 'Bes na daks pa at higit sa lahat manyak' hahaha" Si renz na mula nang mapunta ako sa grupo nila ay wala na akong ibang nadinig sa kanya kundi ang barahin lagi si manwel na tatawanan lang din ng huli. Di na ako magtataka kung sila pa magkatuluyan nito e. Beki rin yan pero discreet. Discreet pa siya sa lagay na yan ah. Di kasi makapag out sa pamilya niyang napaka relihiyoso hihi peace. Samin lang talaga siya baklang bakla. May kilala ba kayong ganyan? O kayo talaga yan ? Haha
"Tama na nga yan. Tara na at ng masimulan na ang pagsusunog baga." At ito naman si jerome. Ang semi-kevin sa grupo. Tanggalin lang ang mga negative words kay kevin si jerome na yun. Sa itsura di rin magpapatalo ang isang to at tikas ng tindig. Tall, dark and handsome ganun mo siya madidiscribe. Pero katulad ni kevin anlakas din nitong magsunog ng baga. Kahit abutin ng umaga sa inuman go pa din tsk. Tsk.
BINABASA MO ANG
YOU AND ME TOGETHER
Novela JuvenilThis is an M2M love story. If you are against Or Uncomfortable with it better kick yourself off. - Any resemblance to other stories , names of persons , situations or experiences are not copied nor intended to imitate but are purely coincidental. ...