LET GO? or LET'S GO

3.4K 125 9
                                    

A/N: Enjoy reading guys...

KIERO

Lunes na naman ang bilis ng mga araw. Gaya ng dati normal lang ang takbo ng buhay ko wala naman nagbago. Ay, meron pala yun ay ang pag-iwas ko kay cris.

Dumistansya muna ako sa kanya. Una, dahil sa may girlfriend na siya. Pangalawa, dahil mukha na akong tanga kakaasa at kakaassume sa bagay na alam ko at alam nyo ring wala namang patutunguhan. Pangatlo, gusto ko ring malaman kung ano ba talaga itong nararamdaman ko kay cris. Love na ba talaga ito o infatuation lang. Pero 3 years love na yun diba? Ewan!

Panghuli, gusto kong lumabas sa pelikula na tanging kami lang ni cris ang bida. Ayoko na!

Sa ganda kong ito I deserve a better love story. Keme lang haha

"How about you Mr.Salazar?" Rinig kong tanong ng professor ko. At nung time na narinig ko ang apilyedo ko ay automatic na naalarma ako at diretsong napatingin sa prof. Ko.

"Bakit po maam?. Hihi" tanong ko

"Let's give a round of applause for Mr. Salazar class for not listening. A job well done Salazar. Com'on class lets clap." Sarkastikong banat ng professor ko na sinunod naman ng mga plastik kong kaklase.

Masigabong palakpakan ang natanggap ko ang aga-aga. Okay sana kung papuri eh pero para ipahiya lang ako nyemas! Pero kasalanan ko rin naman at walang ibang sisisihin kundi ako.

Ay, meron pa pala.

Kayo. Busy ako kakadakdak sa inyo ng buhay ko. Chos XD

"Huhu thank you maam." Nasabi ko nalang.

"Another round of applause please." Banat muli ni maam.

At ang mga kaklase ko ay todo palakpak naman na tila hangang hanga sa napanood na concert.

Ramdam ko ang init ng mukha ko. Siguro pulang-pula na ako.

Dahil sa hiya parang nag bi blur yung paningin ko. Shit tong prof. Nato.

Pero may isang palakpak talaga na pumaibabaw sa lahat. At kung makatawa pa e wagas.

Nilingon ko siya at nakita ang mukha niyang namumula na sa tuwa. May pag iling-iling pa ng ulo. May araw ka din.

"Thank you Thank you" pabulong na sabi ko sa kanya sabay irap. Bwisit!

Sam Gonzales demonyo ka. May araw ka din sakin. Grrr

Sa buong klase e nakinig nako at isinantabi nalang muna ang hiya. Bumawi naman ako at naging active na sa discussion na sa huli ay napansin naman ng prof. Ko at napuri pa ako. Pero no no kana saking prof ka pinahiya moko sa buong klase huhu.

Pagkatapos ng klase na yun lumayas agad ako. Dumiretso akong canteen at naghahanap ng makakain gutom na rin kasi ako.

Nang makahanap ay doon ako pumwesto sa pangdalawahang tao lang na table sa may dulo.

Nasa kalagitnaan nako ng pagkain ng may biglang umupo sa harap ko at naglapag ng pagkain.

Tiningnan ko siya at agad na naningkit ang mata ko ng makita kung sino ang gumambala sa tahimik kong pagkain.

Ang bwisit na kalansay lang naman pala. Si Sam.

"O? Bayad din ako sa school na to kaya may karapatan din akong gumamit sa mga gamit ng school."

"Wa-la a-kong pa-ke! Lumayas ka nga dito!" Pasigaw na sabi ko sa kanya. Hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko dito tss.

"Ang daming bakante oh? Dito kapa makikisiksik!" Patuloy ko pa.

YOU AND ME TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon