Salamat ulit sa mga nagvovote at patuloy na tumatangkilik ng istorya nila cris at kiero lalo na kay Khristine_Sy .
Mahal ko po kayo :-*
KIERO
At eto na nga, yung plano namin ni cris na mag mall e naantala na muna kasi biglang nagpatawag si Josa ng meeting. Dahil daw may kinakaharap na matinding suliranin ang barkada ngayon.
Kala mo talaga eh noh?
At yun na nga andito na kami. Sinama ko na din si cris para ma meet na rin nila.
“oh bakit ba bakla? Anong problema ba yan at may lakad pa kami!” naku talaga tong baklang to panira talaga ng moment eh noh? May date kami ng mahal ko ngayon eh.
“ikaw bastos ka eh noh? Hindi pa nga tayo kumpleto eh.” Sagot nito sakin na tinawanan ko lang.
Ganyan yan lagi. Feeling niya formal meeting lagi. Pinakilala ko nalang muna sa kanya si cris kahit na kilala niya na ang isang to. Haha
Baka ma besmod lang ako sa kaartehan ng baklang to e.Maya-maya lang eh dumating na din ang mga pa VIP. Haays. Pinakilala ko naman agad syempre si cris sa kanila. Bilang kaibigan muna. Later na yun haha.
“Oh what now?” ako yan.
“ahm. Kasi guys ano eh, ahm kuwan kasi. Diba wala tayong lihiman dapat? Ano kasi...” si Josa na parang timang at hindi maidiretso ang kung ano man yang bwisit na sasabihin niya. Sinasayang nito oras ko eh. Asarrr!
“bakla kasi ano eh, ano kasi.. babatukan na kita kapag di mo pa kami didiretsuhin eh.” Ako uli yan. Arte di ba?
“eto na! Panira ka eh. Ano nga kasi, kuwan...”
Tahimik lang kaming nag-aantay sa susunod na sasabihin ni bakla. Pero ilang saglit pa’y hindi na ito nagsalita at napangiti nalang at aba namula pa ang gaga. Anlande, pwe!
“ako na nga!” agaw eksena naman ni kevin. Oh anong meron naman sa isang to?
“ah guys ano kasi.. si Josa tsaka ako. Ano, kami na.” Patuloy pa nito sabay pakita naman samin ng kamay nila na magka holding hands.
Literal na napanganga kami. Di naman sa hindi kami makapaniwala ah dahil matagal na rin naming nararamdaman ang spark sa dalawang to.
Pero kasi ang mga hinayupak eh nag lapla*an agad pagkatapos ng aminan portion. Mga baboy!
Somehow nakaramdam ako ng inggit. Parang gusto ko na rin lumab life, bwisit. Antagal naman kasi ni cris makaramdam.
“Oh? Baka may aamin pa jan?” sabi ko nalang dahil nabibwisit na rin ako sa dalawang to. PDA masyado. Porket ba alam na namin eh ganun-ganun na lang sila kung mag tukaan jan. Tse! Batukan ko nga ang bakla.
Tsaka syempre konting parinig na rin kay cris. Lalaking to ang slow. Kaasarrrrrrrrrr!
Aba at hindi nagpaawat ang gaga. Tuloy lang sa kalandian niya.
“ah guys, nililigawan ko si renz.” Ang diretsong sabi naman ni Manwel.
Nabaling naman ang atensyon namin sa dalawa. Buti na rin at naputol na ang kababuyan ni josa at kevin sa harap namin. Haha
“O bakit? Mapilit eh.” Ang dipensa naman ni renz ng bigyan namin ito ng makahulugang tingin. Kapal ng baklang to? Sabi niya kasi samin dati eh hinding hindi daw siya magkakagusto kay manwel kahit bali-baliktarin man ang mundo at sila nalang ang matirang tao. Ang gusto niya daw kasi yung Bad boy ang datingan. Eh parang nerd itong si manwel, sorry. Pero gwapo naman.
BINABASA MO ANG
YOU AND ME TOGETHER
Teen FictionThis is an M2M love story. If you are against Or Uncomfortable with it better kick yourself off. - Any resemblance to other stories , names of persons , situations or experiences are not copied nor intended to imitate but are purely coincidental. ...