CACTUS 🌵

2.9K 109 10
                                    

DEDICATED to @ DrakeBreaker @gabbyjpretty @wiress123 magsipag lang kayo mag vote at idedicate ko rin kayow!





KIERO





Pero teka pano naman siya napunta dito ? Wait baka namamalikmata lang ako.
Makapaghilamos nga muna.

Dumiretso na akong banyo nang di man lang siya tinitingnan. Mabilis ang aking pagkilos habang nakayuko dahil nakaramdam ako ng hiya.

Nagmumog na ako at naghilamos. Saglit kong tiningnan ang sarili ko.

Shit! Nasa motel ba ako? Paktay! Inikot ko ang paningin ko sa buong banyo at di nga ako nagkamali dahil nasa motel nga ako. Naku po! Nasa GOSO ako!

Tiningnan ko ang suot ko at teka? Naka boxer shorts nalang ako at sando. Samantalang naka pantalon at polo ako kagabi.Wtf!

Kinapa ko ang pwet ko. Wala naman akong maramdamang sakit. God! Hindi na ba ako virgin? Na deflower na ba ako kagabi? Omg! Ano bang pinagagagawa ko kagabi.

"Antagal mo naman jan. May round two pa tayo!" Shit! Ang boses na yun.

Teka? Round two? Huwat?

Dahil sa narinig ay agad akong napalabas ng banyo. Tinungo ko ang kama at nanlaki ang mata ko sa nakita.

Bakit andito siya?

Kinusot-kusot ko pa ang mata ko upang matiyak na hindi ako nililinlang ng paningin ko.

"Ikaw?!" Gulat na sigaw ko ng masigurong siya nga itong demigod na nakaupo sa kama habang nakasandal sa headboard at tanging boxer shorts lang ang suot. HOT!

"Oh? Parang gulat na gulat ka? Eh kagabi halos di mo na ako patulugin kakahalik mo! Tingnan mo nga to oh parang namamaga pa ang labi ko. Tsk tsk. Di ka kasi marunong eh." Tinuro pa nito ang pangibabang labi.

Agad namang namula ang mukha ko sa sobrang hiya. Talaga ginawa ko iyon?

"Ano? Hoy! Ang kapal mo huh? Wala naman akong maalala ah."

"Natural eh lasing na lasing ka kagabi. Ikaw lang yata umubos ng alak niyo eh. Hindi ko alam na malakas ka palang uminom."

"Kagabi lang yun. Teka nga, bakit ba tayo nandito?"

"Hays, wala ka talagang matandaan?" Umiling naman ako tanda na wala talaga akong maalala.

At kinwento na nga ni cris ang nangyari.At isa-isa ko ngang naalala ang mga kapokpokanan ko kagabi. Pambihirang buhay to oh!

FLASHBACK

"Oy ba-kit *sinok* luma-bash na ta-yoh? Nag-sashayaw pa-ko weh." amok ko dito sa kung sino man ito na bumuhat sakin at isinakay ako sa motorsiklo. Papikit-pikit pa ako niyan dahil sa inaantok na rin.

Sobrang sakit ng ulo ko at parang nasusuka pa ko.

"Oy kumapit ka jan at baka mahulog ka tsk tsk. Iinom-inom kasi di naman pala kaya."

Aba tingnan mo nga naman at magkaboses pa sila ng taong mahal ko. Inamoy-amoy ko ang leeg nito at aba magkasing amoy pa sila. Hanep!

"Tsk. Tsk. Shi-no ka ba huh? Bakit mo gi-naga *sinok* ya ang boses ni cris huh? Pa-ti paba *sinok* ngo kino-pya mo pa ha-ha" tanong ko dito habang pinipingot ang kaliwang tenga niya.

"Ano ba't! Kiero wag ka ngang magulo matutumba tayo!

"Oy! Pah-nu mo ko naki- *sinok* lala huh? Uwaaark! Uwaaark!" Sabi ko pa at sinusundot-sundot pa ngayon ang tagiliran niya na dahilan upang mapa-igtad siya. Haha. Kaya lang bigla akong nasuka! Nakakahiya!

YOU AND ME TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon