KIERO
"Good morning class. You're aware about the seminar in baguio right, since it is done yearly to all 2nd year students in any course. What makes it different now is that you will be joined by other course and that is BSBA for what reason, I dont know. Maybe because you are in the same building haha." Mahabang bungad ni maam na nagpasimula ng ingay sa buong silid.
"Gosh girl makakasama natin sila peejay." Rinig kong tili ng malandi kong classmate.
"Oo nga buti naman no? Nakaka bored kasi kapag tayo-tayong educ lang. Kadalasan ng mga boys BAKLA!" sagot naman ng isa pang maharot at talagang saktong pagkakasabi niya ng bakla ay tumingin sakin.
Aba! Babaeng to. Hindi kita papatulan no? Youre just a dirt trying to get a space in my beautiful and clean fingernails. Ew!
Kaya inirapan ko na lang siya bilang ganti.
"Enough! Discuss it later okay. Let's proceed to the discussion." At nagsimula na nga siya sa klase niya tungkol kay rizal.
Nang mag time na si maam ay agad na akong lumabas. Nakaka boryo talaga tong subject na ito haha.
Bakit pa kailangang balikan ang nakaraan kung masaya ka naman na sa kasalukuyan. Haha
"Grabe excited na ako sa seminar. Kasama natin mga BSBA." Rinig ko pang sabi ng isang babae.
"Buti ka pa. Ako paano ako makakalandi eh kasama ko si kuya." Sagot naman ng kaklase kong bakla din.
Haha baka BSBA ang kuya niya. Malamang! Haha Poor gay. Tsk tsk.
Hinayaan ko na lang silang magchikahan jan sa seminar na yan at tumungo na akong cafeteria.
Tinext ko na rin si sam at sabi eh parating na daw siya.
Maya-maya pa ay may biglang nagtakip ng mata ko. Hindi na ako nagpumiglas dahil akala ko si sam na. Pero iba ang gamit nitong pabango. Kinapa-kapa ko ang kamay niya at napagtanto kong hindi nga si sam ito.
"Sino ka?" Ang medyo kinakabahan ko ng tanong.
"Hindi mo na kilala ang amoy ko? Ang bilis mo namang makalimot." Ang boses na yun...
Hindi ko yan makakalimutan.
"Cris." Mahina kong sabi at agad din naman siyang bumitaw at umupo sa harap ko.
"Hi!" Bati niya ng maka-upo na siya.
"Hello." Sagot ko naman.
Tiningnan ko siya at hindi pa rin siya nagbabago. Gwapo pa rin. Napapatibok niya pa rin ang puso ko ng mabilis sa mga titig niya lang.
Tiningnan ko ang uniform niya at wait lang...
Oo nga BSBA nga pala ang course nito.
"Yes, magkasama tayo sa seminar haha. Natuwa nga ako ng malaman ko yun e." Siya na ang nagsabi ng mga nasa isip ko. May pagka mind reader din kasi tong lalaking to e. Haha
"Ah... Bakit ka nga pala lumipat dito?" Sa halip ay sabi ko nalang.
"Ah gusto ko kasing humingi ng tawad sa isang tao eh dahil sa pagiging duwag ko noon. Gusto ko siyang makuha uli." Direktang sagot niya habang seryosong nakatingin sakin. Makikita mo sa mga mata niya ang sensiridad sa nga sinasabi niya.
"Ah k." Sabi ko.
Mahabang katahimikan ang namagitan samin.
"Gusto mo sabay kana sakin sa araw na iyon? Susunduin kita." Biglang tanong niya sakin.
BINABASA MO ANG
YOU AND ME TOGETHER
Ficção AdolescenteThis is an M2M love story. If you are against Or Uncomfortable with it better kick yourself off. - Any resemblance to other stories , names of persons , situations or experiences are not copied nor intended to imitate but are purely coincidental. ...