CRIS / SAM

3.4K 106 8
                                    




KIERO


Kasalukuyan kami ngayong nag-iinuman. Pano ba naman kasi tong bruhang to. Gusto niya tumatagay habang nagpapaliwanag daw kami sa naabutan niya.

Kasi kung hindi isusumbong niya daw kami kila mama. Binaboy daw namin ang bahay. Baliw na to wala naman kaming ginagawang masama.

Wala nga ba?....Wala naman diba?

Basta wala!

"Oy kaya mo bang panagutan yang kaibigan ko ha cris?" Si alonna.

Huh? Panagutan? OA naman tong babaeng to. Batukan ko nga.

"Panagutan ka jan. OA mo!"

"Di, ibig kong sabihin kaya ka ba niyang ipakilala sa tropa niya, sa pamilya niya?" Ang bespren ko habang seryosong nakatingin kay cris.

Ilang segundo na ang nakalipas at wala pa ring sagot si cris. Para namang may kumurot sa dibdib ko at ramdam ko ang hapding hatid nito.

Alam ko namang walang kasiguraduhan tong tinutungo namin pero kasi pinanghawakan ko na yung sinabi niyang magtutulungan kami para mag work tong relasyon daw namin e.

"Ano? Kaya mo ba huh? Kasi kung hindi itigil mo na to. Magkakasakitan lang kayo. Hindi physically, kundi emotionally mas masakit yun." Seryosong dagdag pa ng bespren ko na lalong nagpasidhi sa tensyong bumabalot sa aming tatlo. Keme lang haha.

Binaliwala lang ni cris ang tanong ng bespren ko at sa halip ay tumagay ito at tumutok na sa kanyang cellphone.

Inaasahan ko na ang gagawin niya pero masakit parin pala kapag totohanan na.

"Ahaha.. Ha.. Ha.. Baliw ka mf. Eh matagal na akong kilala nila tito grey at tita karen." Nasabi ko na lang. Pero di parin nawawala ang kirot na nararamdaman ko dahil sa inaasta ni cris.

Akala ko ba kami na. Babe pa nga daw tawagan namin. Pero bakit ganito ang inaasta niya ngayon?

Parang kanina lang ang sweet sweet niya...

"Alam ko. Pero ang ipakilala ka bilang jowa,karelasyon o boypren kaya niya ba?" Pagpupumilit niya sa tanong na alam kong di kayang umo-o ni cris.

"Ano ba yan. Tama na nga yan mf. Hindi pa naman kami nagmamadali. We're getting to know each other more pa. Next time na yan.. Haha." Sabi ko para makaiwas na sa interogasyon ni allona.


Alam ko namang concern lang sakin ang bespren ko at iniisip niya lang ako pero somehow di ko maiwasang mainis dahil sa mga provoking questions niya na dahilan kaya nasasaktan ako ngayon.

-

Sa mga nagdaang oras ay medyo umokay naman na ang usapan namin. Si cris ay ganun pa din. Tumatawa-tawa lang siya kapag may nakakatawa at tumatango o umiiling kapag tinatanong namin siya.

Dahil sa inaasta niya ay naisip kong wag seryosohin ang kung ano mang meron samin. Huwag na akong maghangad pa ng kung anu-ano samin at makuntento nalang sa kung anong meron kami ngayon.


Mga bandang alas syete na ng dumating sila mama at saktong tapos na din kami. Apat na bote din ng RH ang naubos namin. Pagkatapos magpaalam kila mama ay umuwi na rin sila.

Inaasahan ko pang itetext o ichachat ako ni cris bago kami matulog pero hindi niya ginawa.

Yung kaninang naipong sakit sa dibdib ko ay biglang kumawala at natulog akong may tumatagos na luha sa aking mga mata.  

YOU AND ME TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon