Yes nasa pre-finale na tayo :-D
Almost 2 years para sa 20 chapters??
Arte diba? Well sana pagpasensyahan nyo naman ako. Wala eh, studyante!Anyway, here's a piece of cake for you guys :-*
Enjoy reading and please, give comments after, for I really wanted to know your feedbacks guys. Bt of course, Votes. K? yey!
Love ya'll <3KIERO
Nagising ako dahil sa kirot na nararamdaman ko sa may balakang ko. Tsaka namamanhid na yung kaliwang kamay ko dahil parang may nakapatong dito ng matagal.
Teka nga!
Oh! Nasa ospital ako?
Napatingin ako sa kisame at inalala muna ang mga nangyari bago pa ako makapag react ng di kaaya-aya. Natuto na to e!
At yun na nga. Natawa ako sa sarili ko mga kaibigan.
Hindi naman kasi ako nasagasaan pero bakit ako nahimatay? Ang drama ko!
Pero kasabay ng tila kiliti sa ngala-ngala ko ng maalala ang nangyari sa daan ay sabay din ng tila kurot sa puso ko ng mag flashback pa ang flashback ko papunta sa mga nangyari sa kotse ni c...
Ni cri....
Ni letseng lalaking yun! Duwag!
Pero anyway, mag momove on na ako! Ulit! Hays..
Teka nga? Bakit ba parang may nakadagan talaga sa kaliwang kamay ko?
Nilingon ko ang lalaki.. oo lalaki siya!Ang lalaking mahimbing na natutulog na feel na feel ang pagyakap sa patpatin kong kamay at aba humihilik pa. Tsk tsk. Ang cute naman talaga oo!
Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko ito.
Pero base sa pagsusuri ko, kung titignan ang hugis ng ulo at likod niya masasabi kong may hitsura o pogi ito.
(Yan! Jan ka magaling Kiero)
Bakit ba?
Sinuri ko pa siyang mabuti dahil baka nagkakamali lang ako at mabiktima ako ng mga kasamahan ko sa dagat na mga hipon. Opss, piss!
Mukhang gwapo nga ang isang to kahit na simpleng shorts at muscle shirt na pinarisan ng Nike shoes at syempre ang kanyang kabogerang watch lang ang suot nito.
For sure mayaman ito. Pwede na itong pamalit sa pesteng lalaking yun.
Hayaan nyo na ako ngayong mag amok sa idol nyo ha? Wala e.
Nagmahal, nasaktan, naospital! Saklap diba?
Balik tayo sa lalaking to.
Aba! Hindi pa rin siya gising. Hmmmn, naiisip nyo ba ang naiisip ko?
Malamang hindi no? kaya sasabihin ko nalang.Wala, kakantahan ko lang naman siya ng ‘sa ugoy ng duyan’. Kay gandang kanta nun!
I wonder kung kinanta yun ni mama sakin nung baby pa lamang ako.
Sintunado pa man din ang isang yun. *sorry ma!
Malalagot kami kapag narinig yun ng composer ng kanta. Makakasuhan si mama sa pambabastos sa mga nota.(A/N: Btw. Sino nga pala composer at singer nun guys? Sabihin nyo sakin wag puro basa. Para masaya!)
Oh ayan, lumalayo na naman tayo. Balik na tayo kay koyang hanggang ngayon eh tulog pa din.
Ha-ha iba talaga ang ganda ko. Para akong Ibong Adarna.
Lahat ng malapit sakin lalo na yung mga makikisig at masasarap hihi e makakatulog kapag nasilayan lang ako. Wag na sa kanta kasi hindi ako masyadong pinagpala pagdating sa bagay na yun. But, still, I’m pretty! Haters gonna hate+hate+hate= triple hate! Haha
BINABASA MO ANG
YOU AND ME TOGETHER
Ficção AdolescenteThis is an M2M love story. If you are against Or Uncomfortable with it better kick yourself off. - Any resemblance to other stories , names of persons , situations or experiences are not copied nor intended to imitate but are purely coincidental. ...