A/N: Sana magustuhan niyo guys..😘
KIERO
Di mo ba alam na ika'y nahuhulog na
Sa isip mo kayo na pero di pa pala
Wag kang assuming baka wala lang talaga
Alam mong kaibigan lang naman tingin nya sa iyo
Mahal agad pinagbuksan ka lang ng pinto
Wag kang assuming baka wala lang talaga
Ohooh... Puso ko."Gawa mo na babe?" Patuloy niya sa pag cha-chat namin. Sino pa ba edi si cris. Baliw tong lalaking ito magkasama lang kami kanina e. Hahaha
Lord hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sakin ngayon pero i super duper like it! REALLY!
"Nasa bed na nagpapaantok" reply ko naman.
Masaya at masarap sa feeling pero di ko rin naman maiwasang mangamba kung after this ano na ang mangyayari.
Yung dating pangarap at pantasya mo lang napasayo na. Sino ba naman ang hindi sasaya.
Pero what's next diba?
A happy ending? Or a tragic one?
(There is no happy ending. Stop dreaming!)
Nabasa ko yan before sa notebook ng kaklase ko nung high school XD NAKAKAKABA hahahaPero naisip ko na ienjoy na lang at hayaan na lang kung ano ang mangyayari ang importante masaya ako.
5 minutes ago na pero wala pa rin siyang reply kaya ako na nag initiate ng bagong topic baka kasi wala na siyang masabi.
"Ahm. Cris Bakit? Parang biglaan naman yata. Para saan to? May nag dare ba sayo o ano, bakit?"
Another 5 minutes ang hinintay ko bago mag pop up ule ang mukha niya.
"Isipin mo ko bago matulog ah para masarap tulog ng babe ko."
"Hindi ko rin alam. Pero sumabay kana lang basta hindi kita niloloko. Ano man ang mangyayari sa susunod next time na natin isipin hahaha" sunod-sunod na reply niya.Kinikilig na ako na ewan. Para akong naiihi at yung tiyan ko parang may hangin hahaha.
Napapakagat na lang ako sa unan.Kasi naman tong lalaking to. Sarap halikan haha ay landi hihi.
"Video call tayo babe." Chat niya matapos ang 6 na minuto na wala pakong reply. Sineen ko lang ang message niya dahil sobrang kinikilig na ako.
Maya-maya pa ay nakita ko nang tumatawag siya. Tumayo muna ako at binuksan ang ilaw. Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin at ng makitang okay naman ay saka sinagot ang tawag niya.
"Tagal tsk tsk" bungad niya ng masagot ko na ang tawag.
Napakapogi talaga ng khristian ko. Pagkakita ko pa lang sa mukha niya sa screen parang hinahabol na naman ako ng sampung baklang kabayo sa likuran ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Ang hawt niya sa itsura niya ngayon. Naka Topless siya at pajamas sa ibaba habang nakadapa sa kama niya.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko.
"Teka galit ka ba?" Balik tanong niya.
"Hindi."
"Hindi ka ba masaya na finally tayo na?" Seryosong tanong nito.
Saglit akong napakagat sa lower lip ko dahil sa naramdamang kilig. Ang sarap pakinggan habang sinasabi niya yun.
"Masyado lang sigurong mabilis ang pangyayari cris..." Rason ko kaso bigla niyang pinutol.
BINABASA MO ANG
YOU AND ME TOGETHER
Fiksi RemajaThis is an M2M love story. If you are against Or Uncomfortable with it better kick yourself off. - Any resemblance to other stories , names of persons , situations or experiences are not copied nor intended to imitate but are purely coincidental. ...