KIERO
Only 3 days.
Oo 3 days.
Sa loob lang ng maikling panahon na yun nabago ng isang tao ang nararamdaman ko. Ang tinitibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero ang alam ko mula noon hanggang ngayon siya pa rin.
Ni minsan hindi siya nakalimutan ng puso ko.MAHAL KO PA RIN SI CRIS...
FLASHBACK
1st Day.
Pagdating namin sa teachers camp na pagdadausan ng seminar ay agad na kaming hinati at pinapunta sa respective rooms namin.
Syempre hiwalay ang Boys sa Girls at ang Educ sa B.A .
Apat kami sa kwarto buti mababait naman sila At mabilis ko lang din nakapagpalagayan ng loob. Mga Bio-sci major sila. Sina Randell,Manwel at jhonel at wag ka may mga itsura din ang mga ito ah infairness. Haha
Nasa gilid ako pumwesto sa may tabi ng bintana. Awkward lang at nakaka OP minsan dahil ako lang ang nahalo sa kanila. Pero minsan sinasali din nila ako sa usapan.
-
"Ah kiero may naghahanap sayo sa labas." Minulat ko ang mata ko at nakitang ginigising ako ni manwel.
After ng lunch e binigyan pa kami ng two hours para magpahinga at mamayang 3 pa naman ang umpisa ng seminar kaya natulog muna ako.
"Ah kasi may naghahanap sayo." Ulit pa nito habang nagkakamot sa batok na tila nahihiya ng makitang hindi pa din ako gumagalaw.
Kaya naman kumilos na ako. Inayos ang sarili at bumaba. Nasa taas pa kasi ang kwarto namin. Haaays.
"Cris."
"Naistorbo ko pa yata ang tulog mo."
"Ah hindi naman. Nakapagpahinga na din ako."
"Good. Tara lakad-lakad muna tayo." Aya niya sakin. Tiningnan ko ang kabuuan nito at nakitang nakaporma ito. Aba pogi!
Bigla tuloy akong nahiya at na conscious sa suot ko. Naka pajamas lang kasi ako at makapal na jacket na pinarisan ko pa ng makapal ding medyas dahil malamig pala talaga dito sa baguio lamigin pa naman ako. Eeee.
Tatalikod na sana ako para magbihis muna ng pigilan ako nito sa paghawak ng kamay.
"Wag na! Cute mo nga jan sa suot mo e." Sabi nito sakin na agad kong ikinamula. BlushingBlushing!
----
"Selfie tayo?" Si cris sabay labas ng cellphone niya.
Nasa may maliit na gazebo kami ngayon. Dito namin napiling tumigil pagkatapos ng masayang lakaran. Ay Habulan pala ang ginawa namin kanina. Napakakulit kasi nitong si cris at bigla bigla na lang nanghahalik sabay karipas ng takbo na hahabulin ko naman.
Hindi ko rin maiwasang kiligin dahil sa inaasta niya.
Iba kasi siya ngayon sa dating cris na nakabusangot lang lagi kapag magkasama kami. Hihi
Inayos ko naman ang sarili at ngumiti. Syempre! Nasa anggulo lang yan seb. HAha. Madami kaming kinuhang larawan na magkasama.
Nawala na rin yung dating awkward na nararamdaman ko. Naging kumportable na ako sa kanya habang siya ay mas lalo pang naging sweet sakin na nagustuhan ko naman. Hihi landi.
BINABASA MO ANG
YOU AND ME TOGETHER
Teen FictionThis is an M2M love story. If you are against Or Uncomfortable with it better kick yourself off. - Any resemblance to other stories , names of persons , situations or experiences are not copied nor intended to imitate but are purely coincidental. ...