SANDY
He wants us to meet? Ready na ba ako? Bakit bigla akong kinabahan? Bakit parang natakot ako? I mean, pano kung manyakis siya or something? Baka naman... naku.
Kailangan muna naming mag usap.
Sa panahon ngayon mahirap na. Pero, postpaid naman ang phone niya so I'll list na lang his number dito sa cork board ko para in case na may mangyari sa akin alam nila kung sino ang sinamahan ko. Pero mukhang mabait naman siya. Kaso di ba yung mga nakikipag eye ball sa mga textmates nila namamatay sa malaking akala. Akala nila mabait yung kausap nila pero mali pala. Rapist, killer, kidnapper....Riiiiiiiiiiiiiing!
Syet nakakagulat naman to.
"Hello?"
"Kulasa."
"Bakit mo naisip na magkita tayo?"
"Hindi ka ba curious?"
"Eh pwede namang, magsend na lang tayo ng pictures natin."
"Ayoko nang ganun eh. Kung ayaw mo na magkita tayo then, okay lang naman. Let's just remain friends. Don't worry, I will not force yoi."
"Not really. Pero siyempre I have not done this before first time ko lang to ginawa. I mean....siyempre nakakatakot kaya."
"Okay."
"Galit ka?"
"Hindi naman. I don't blame you kung natatakot ka."
"Sorry."
"It's okay."
Silence. Gusto kitang I meet. Gusto kitang makita. Kaso natatakot ako baka kung sino ka.
"Hey."
"Yes."
I could feel his sadness sa boses niya.
"Kung magkita tayo....on your terms or my terms?"
"What do you mean?"
"Haynaku, adik ka talaga eh. Kung ako ba ang masusunod or ikaw ang masusunod sa kung saan tayo magkikita?"
"Hahahha baliw ka talaga. Siyempre, ikaw ang babae, ikaw masusunod."
"Kahit saan?"
"Kahit saan."
"Eh kung sa bahay namin?"
"Okay lang. San ka ba nakatira?"
"Ay ayoko sa house kasi baka mag isip na naman ang mga magulang ko. You choose na lang kaya?"
"Hindi. You choose."
"Hmmm, wala ako maisip eh...."
"Sige pag naisip mo na where, you tell me."
"Sa mall?"
"Sa Mall talaga?"
"Hmmmmm sa grocery? Or sa city hall na lang kaya?"
"Bakit naman sa City Hall?"
"Okay dun safe ako."
"Sure ka sa City Hall?"
"Ayaw mo?"
"Gusto naman. Saang City Hall?"
"Sa Rosanne City."
JACOB
What the hell? Kababayan ko pa yata siya eh. Sino? Sino ka? Bakit sa City ko pa? Pano ko siya I mi meet? Makikita ng mga city employees yan. Makikipagkita ako sa textmate? Waaaaah this is not happening to me.
"You want to meet somewhere else ba?"
"Hindi okay na sa city hall."
"Para pag manloloko ka or masamang tao ka takbo na lang ako kay Mayor. Isusumbong kita."
"Ha ha ha oo na. Mayor na naman."
"Iseseduce ko si Mayor para tulungan ako."
"Hindi mo maseseduce yun. Mabait di ba?"
"Oo nga hindi pedopilya at pervert na tulad mo."
"Oo na. Siya na ang perfect."
"Hahahahahahaha"
"So kailan tayo meet?"
"Hmmmm Tuesday 10 am."
"Lunch break na lang pwede? Para naman makapunta ako. Remember working class ako eh."
"Okay sige. Wednesday November 3, 2017. 11:30 okay na yun?"
"Okay. See you sa City Hall. Teka san sa City Hall tayo magkikita?"
"Sa labas ng Mayor's office."
"Baliw ka talaga eh. Busy dun. Hanap ka ng ibang lugar."
"Takot ka kay Mayor....hahaha sige na nga. Sa harap na lang ng Treasurer's Office."
"Grabe ang takot mo sa akin eh. Mga matataong lugar yang mga gusto mong lugar. Sa harap na lang kaya ng Mayor's office?"
"Sige. Sa Mayor's office para makatakbo agad ako kay Mayor pag minanyak ko ako."
"Manyak talaga eh. Oo na sige na. Sa harap nga Mayor's office. Pano pala kung makita mo si Mayor dun? Itutuloy mampa din bang makipagkita sa akin?"
"Oo naman. Pero magpapa selfie muna ako sa kanya."
"Selfie? Sige tapos ipakita mo sa akin ang picture niyo. Pag di mo nagawa, ikaw ang magbabayad ng lunch natin sa malapit na 5 star hotel sa City Hall."
"Sige, dare... pero kung nandun lang si Mayor ha. Kung wala siya, ikaw pa din manlilibre."
"Okay sige,"
BINABASA MO ANG
FALLING FOR MR. MAYOR (COMPLETED) #Wattys2017
Novela JuvenilJacob Elvin Franco came from a family of military men, but that is not what the story is about. You see, Jacob who is now 20 just got elected into office as the City Mayor of Rosanne City. His political life has been the only thing that mattered...