Oh aking inang mabait at malambing
Sa iyong himig ako ay nahihimbing
Puspos ng pag-ibig mo at damdamin
Taglay ang bawat aral sa aking paggising.
Patawad kung ako'y matigas ang ulo
Hindi sinusunod ang bawat utos mo
Ngunit aking ina, bakit ganyan ka?
Nagkasala na nga ako'y pinatawad mo pa.
Naging inspirasyon kita sa maraming bagay
Katulong kita, kasama sa buhay
Kaya aking ina, sayo nakasalalay
Ang aking kinabukasan, harapin natin ng sabay.
***
BINABASA MO ANG
Floating Words, Floating Rhymes
Poésie"Drink up the beauty and bleed out the poetry."
