Ang Pag-ibig ko

188 4 0
                                    


Ang pag-ibig ko sayo'y walang kapantay

Magunaw man ang mundo, malagot man ang buhay

Saan man pumunta ay laging taglay

Pag-ibig kong ito'y wagas at dalisay.

Ang pag-ibig kong tunay na nadarama

Ay para sayo lamang oh aking sinta

Apihin man ng mundo, lugmukin man sa dusa

Yaring buhay ko ay ipagtatalaga.


Himig nitong puso ko ay para sayo

Ikaw ang tugma at ako ang tono

Di man maunawaan itong liriko

Ramdam naman sa himig, ito'y tapat at totoo.


***

Floating Words, Floating RhymesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon