Mahirap umibig, masasaktan ka lang
Ibinigay mo lahat, meron pa ring kulang
Sa pag-iibigan, nagkakaroon ng hadlang
Puso't isip di isinasaalang-alang.
Talaga namang mahirap magmahal
Lahat gagawin, lahat isusugal
Pagsusuyuan, biglang bumabagal
Hangga't ang bawat isa'y maging pagal.
At kapag lahat ay nasaktan
Babagsak ang luha, malakas pa sa ulan
Ang pusong durog na syang inilaan
Hinanakit at galit ganti sa sinuman.
Buksan muli itong puso mo
Huwag matakot, magpakatotoo
Pagkat may dahilan bawat pagkabigo
Bagong gamot lunas sa puso.
***
BINABASA MO ANG
Floating Words, Floating Rhymes
Poesía"Drink up the beauty and bleed out the poetry."
