Isang munting sanggol iyong taglay taglay
Sa inig ng braso mo siya'y nahihimlay
Pintig ng puso mo, dugong nananalaytay
Hindi magbabago ito'y wagas at dalisay.
Para sa kanya isa itong gantimpala
Sa poong lumikha kanyang anak ay pinagpala
Dalangin sa twina, sa marikit na tala
Puspusin ng pag-ibig, sa salita at gawa.
Ang lahat ng gawa mo'y may pinapahiwatig
Mga pangaral mong tigib ng pag-ibig
Hangga't may hininga, dibdib ay pumipintig
Patuloy na nagmamahal, anak ay iniibig.
Itong munting bulaklak handog niya sayo
Ngayong ika'y nasa kabilang ibayo
Naglalandas niyang luha, pilit pinipigilan
Ala-ala ng nakalipas ng inang nakagisnan.
***
BINABASA MO ANG
Floating Words, Floating Rhymes
Poetry"Drink up the beauty and bleed out the poetry."
