Torpe

104 1 0
                                        


Sasabihin ko na ba ang nararamdaman ko?

Ngayong saking harapan, ika'y naririto

Nanlalamig ako, pawis ko'y namumuo

Anong gagawin ko? Kelangan ko ng tumakbo.


Ito ang totoo, ang hirap sabihin

Pag-ibig ko sayo'y di ko kayang aminin

Ano ba ito, paano kita aaliwin?

Pag kaharap na kita'y oras ko'y nabibitin.


Torpe ako matagal na

Magtatapat lang sayo, ako'y natatakot na

Kinakabahan akong baka ako'y tanggihan mo

At itong puso ko ay masaktan ng todo.


Ngayong tayo'y magkaharap na muli

Anong sasabihin ko, ako'y nag-aatubili

Oo, heto na sasabihin ko na

Ikaw ang pangarap ko, libre ka ba?




***

Floating Words, Floating RhymesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon